• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Mga paalala para makaiwas sa krimen at sakuna ngayong Undas

    By dzmm.com.ph | 10:54 PM 11/01/2012
  • image
    "Nagpalabas ang Philippine National Police ng mga dapat gawin upang makaiwas sa anumang krimen o sakuna sa paggunita ng Araw ng mga Patay."

    Nagpalabas ang Philippine National Police ng mga dapat gawin upang makaiwas sa anumang krimen o sakuna sa paggunita ng Araw ng mga Patay.

    Kung bibiyahe at gagamit ng pampublikong sasakyan:

    -Iwasang magsuot ng mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi.
    -Ingatan ang dalang cellular phones o iba pang gamit na malimit dalhin tuwing bibiyahe o lalakad.
    -Iwasan din ang pagdadala ng maraming gamit para hindi mahirapan sa biyahe at madali ang pagbabantay sa mga dala-dalahan.
    -Mainam na maging maaga sa istasyon ng tren, piyer, paliparan at bus terminals para maiwasan ang siksikan at matiyak ang puwesto ng mga bata / matanda / kababaihan.
    -Mag-ingat sa mga mandurukot, salisi gang, laglag-barya at iba pa. Hanapin ang Police Assistance Booths sa mga paliparan, piyer, istasyon ng tren at bus terminals.

    Kung bibiyahe at magdadala ng sariling sasakyan:

    -Tiyaking maayos at walang problema ang sasakyan at tandaan ang salitang "BLOWBAGETS".

    B - Battery (Baterya)
    L - Light (Ilaw)
    O - Oil (Langis)
    W - Water (Tubig)
    B - Brakes (Preno)
    A - Air (Hangin sa Gulong)
    G - Gas (Gasolina o Krudo)
    E - Engine (Makina)
    T - Tires (Gulong)
    S - Self (Sarili)

    -Siguraduhing kumpleto ang lahat ng dokumentong kailangan sa pagmamaneho ng sasakyan, gaya ng driver's license, vehicle registration, early warning device, etc.
    -Sa pagmamaneho, iwasan ang one-hand driving. Tiyaking kontrolado mo ang sasakyan sa lahat ng panahon. Kung may kasamang mga bata, siguraduhing naka-lock ang lahat ng pinto.
    -Huwag magmaneho kung ikaw ay nakainom, nahihilo o inaantok. Kung maaari, magsama ng isang extra driver kung malalayo ang biyahe.
    -Kung bibiyahe sa gabi, siguraduhing gumagana ang headlights, signal lights at tail lights.
    -Magdala ng flashlight o emergency light.

    Sa loob ng sementeryo

    -Magdala ng sapat na pagkain at tubig inumin. Bawal lang ang alak at mga paninda sa loob ng sementeryo;
    -Magdala ng pananggalang sa init o ulan;
    -Bawal ang pagdadala ng mga deadly/bladed weapons, mga malalakas na loud speakers at mga gamit pang-sugal;.
    -Bantayan mabuti ang mga kagamitan na dinadala sa puntod. Tiyakin na ang mga kandilang nakasindi ay di makalikha ng sakuna o sunog;
    -Payuhan ang mga kasamahang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tao. Mainam kung sila ay may ID o papel na kanilang pagkakakilanlan;
    -Panatilihing malinis ang kapaligiran. Magdala ng sariling trash bag na dapat iligpit pagkatapos at itapon sa tamang basurahan;
    -Alamin ang lugar ng First Aid Station at PNP Assistance Booth para sa emergency o police assistance; at
    -Kung maglalamay, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna.

    Sa loob ng simbahan

    -Iwasang magsuot ng mamahaling alahas.
    -Iwasang magdala o magpakita ng malalaking halaga ng pera.
    -Ingatan ang dalang handbag o wallet.
    -Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tao. Tiyaking sila ay may o papel na sa kanila ay pagkakakilanlan.
    -Alamin ang lugar ng First Station at PNP Assistance booth para sa emergency o police assistance
    -Kung maglalamay o kasama sa mga vigil, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna. Mas mabuting may kasama.

    Iwas-krimen at iwas-sakuna sa tirahan

    Kung iiwang walang tao ang bahay:
    -Itago sa ligtas na lugar ang mga mahahalagang bagay tulad ng salapi, alahas o kaya'y importanteng dokumento. Mas mainam kung may kaha-de-yero sa bahay.
    -Iligpit at itago ang anumang kagamitang nasa bakuran upang makaiwas-pansin sa mga nagtatangkang manloob ng bakuran. Maglagay ng kurtina sa mga bintana upang maiwasang mamataan ang mahahalagang kasangkapan.
    -Bunutin ang lahat ng mga saksakan ng electrical appliances sa bahay bago umalis o kaya'y patayin ang main fuse upang makaiwas sa sunog habang wala sa tirahan.
    -Ipagbilin ang bahay sa taong pinagkakatiwalaan o di kaya'y paki-usapan ang isang kamag-anak na pumirmi muna sa inyong bahay kung iiwan ito ng higit sa isang araw.
    -Magpaskil sa malapit sa telepono ng emergency numbers ng pulis, bumbero, ospital at barangay tanod sa inyong lokalidad upang madaling makahingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.
    TANDAAN: Ang isang bahay na walang tao ay prime target ng panloloob at pagnanakaw.

    Narito ang mga numero ng PNP na dapat tawagan kung may emergency:
    - 117 or Text 2920 
    - Isumbong Mo Kay TSIP (09178475757)
    - Subukan Nyo Po Kami (09158888181 or 09999018181)
    - NCRPO RTOIC Tel. # 838-3203





TOP NEWS
  • NATIONAL VP Binay, inimbitahan na ng Senate Blue Ribbon Committee October 22, 2014 11:38:12 »
  • METRO Hinihinalang magnanakaw na nagtago sa imburnal, timbog October 21, 2014 20:30:00 »
  • ENTERTAINMENT Fashion icon Oscar de la Renta, pumanaw na October 21, 2014 10:45:24 »
  • SPORTS Ano ang susunod para kay Donaire? October 20, 2014 19:00:30 »
  • PAPAL VISIT Mga bilanggo sa Bilibid, may hiling kay Pope Francis October 21, 2014 22:21:20 »
  • REGION Transgender, pinagnakawan at pinatay sa Quezon October 22, 2014 07:48:50 »
  • WORLD 17 patay sa pagsabog ng pabrika ng paputok sa India October 21, 2014 18:12:29 »