• PANAHON
    Manila, 31°C
    Sunny
    • Baguio, 22°C
      Partly rainy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • POEA: Pinoy skilled workers, kailangan sa South Korea

    By dzmm.com.ph | 12:00 AM 10/17/2011
  • image
    "Patok ngayon sa South Korea ang mga Filipino skilled workers."

    Patok ngayon sa South Korea ang mga Filipino skilled workers.

    Ayon kay Atty. Viveca Catalig, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Deputy Administrator for Employment Welfar, ngayon pa lang, maaari nang magparehistro ang mga interesado para mapasama sa panibagong Government to Government hiring.

    Batay aniya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Korea, aabot sa 5, 000 manggagawa ang hinahanap ng mga kompaniya doon bawat taon at sa 16 na bansang pinagkukunan ng mga trabahador, Pilipinas ang madalas na nangunguna.

    Dagdag ng POEA, hindi bababa sa P50, 000 kada buwan ang sahod ng mga factory worker sa Korea.

    Madali lang naman ang mga qualification. Dapat 18-38 anyos, high school graduate, walang criminal record, at legal na pumasok sa Korea.

    Payo rin ng POEA sa mga nagpaparehistro, magsanay na ng salitang Koreano dahil kailangan din nilang maipasa ang isang pagsusulit sa Korean languange upang matanggap.

    Para sa ilang review questions ukol sa Korean language exams at iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang POEA website. Report from Alex Santos, ABS-CBN News





TOP NEWS
  • NATIONAL Detalyadong listahan ng DAP projects, masisilip sa website ng DBM July 25, 2014 22:43:40 »
  • METRO 3 sasakyan, inararo ng armored van sa Ortigas, 3 sugatan July 25, 2014 22:41:35 »
  • ENTERTAINMENT 3 Pinay singers, hinahangaan ni Stephen Bishop July 25, 2014 22:42:38 »
  • SPORTS Sharapova at Murray, dadayo sa Pilipinas para sa tennis tour July 24, 2014 21:40:17 »
  • REGION Holdaper, patay sa tangkang pang-aagaw ng baril sa mga pulis sa Laguna July 25, 2014 17:38:56 »
  • WORLD 15 patay sa Israeli strike sa UN school sa Gaza July 25, 2014 22:45:04 »
  • GOOD NEWS Vigan, pasok sa 21 finalists ng 'New7Wonders' Cities July 08, 2014 22:47:32 »