• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Boracay Island, 33°C
      Partly cloudy
  • DZMM-TLC, nagpaabot ng tulong sa Brgy. Manresa, QC

    By dzmm.com.ph | 08:13 PM 11/10/2012
  • image
    "Umarangkada sa pagtulong ang DZMM Teaching, Learning, Caring (TLC) caravan sa mga nasunugang residente ng Barangay Manresa, Quezon City."

    Umarangkada sa pagtulong ang DZMM Teaching, Learning, Caring (TLC) caravan sa mga nasunugang residente ng Barangay Manresa, Quezon City.

    Isa ito sa pinakamaraming residenteng dumagsa sa caravan na matagal nang ginagawa ng TLC. 

    Kabilang sa mga serbisyo publiko na inihatid ng TLC ang libreng medical at dental checkup na may kasama pang gamot.

    Mayroon ding pedia para sa mga may batang may karamdaman.

    Kinuwentuhan naman ni DJ Richard ang mga bata sa storytelling session sa loob ng mobile library na may dalang karunungan.

    Namigay din ng libreng salamin para sa mga malalabo ang mata.

    Namahagi rin ng mga grocery na maagang pamasko ng DZMM.

    Nagpasalamat naman sa mga kaagapay na ahensya at kumpanya si ABS-CBN Manila Radio Division (MRD) Vice-President Peter Musngi na walang sawang tumutulong sa ikatatagumpay ng programa.

    Kabilang dito ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Mario's Kitchen Feeding Metro Manila, Ideal Vision at BMPM. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42





TOP NEWS
  • NATIONAL Mga trabahador ng Kentex, aayudahan kahit walang SSS - DOLE May 23, 2015 11:56:04 »
  • METRO Human error, system failure, tinitingnang sanhi ng LRT incident May 23, 2015 13:17:24 »
  • ENTERTAINMENT Daniel Padilla, may bagong concert ngayong Hunyo May 21, 2015 18:48:32 »
  • SPORTS NCAA, balik ABS-CBN May 18, 2015 22:55:08 »
  • REGION 5 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Kamaynilaan May 23, 2015 14:44:08 »
  • WORLD 21 patay sa pagpapasabog sa mosque sa Saudi; pag-atake, inako ng ISIS May 23, 2015 12:58:18 »
  • GOOD NEWS TINGNAN: Vigan, hinirang na kabilang sa New7Wonder Cities May 08, 2015 12:48:38 »