• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • POEA, may babala sa health workers kaugnay ng email scam

    By dzmm.com.ph | 00:00 AM 10/22/2011

  • "Pinag-iingat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lahat ng health workers na nangangarap magtrabaho abroad partikular na sa United Kingdom (UK) laban sa bagong modus na idinadaan sa Internet."


    Pinag-iingat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lahat ng health workers na nangangarap magtrabaho abroad partikular na sa United Kingdom (UK) laban sa bagong modus na idinadaan sa Internet.

    Laman ng email scam ang pangakong makapagtatrabaho ang mga nurse at caregiver sa isang malaking ospital sa UK kapalit ang paunang bayad na P3,000 para sa pekeng British English training.

    Ayon kay POEA Chief of Operation and Surveillance Division Atty. Celso Hernandez, umabot na sa halos 100 health workers ang naloloko ng ganitong modus, kaya nagbabalang huwag makipag-transaksyon sa Internet.

    Para matiyak ang mga lehitimong alok na trabaho abroad, sumangguni sa POEA hotlines (02) 722-1144 o (02) 722-1155 o kaya'y bisitahin ang kanilang website www.poea.gov.ph. Report from Alex Santos, ABS-CBN News



Leave A Comment




 



TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »