• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Tips ng PNP laban sa cyber hackers

    By Administrator | 00:00 AM 09/30/2011

  • "Huwag basta-bastang magtiwala sa mga makikilala sa social networking sites."

    Uso ngayon ang hacking incidents ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter at mga commercial mails. May mga insidente ring narereport na dahil sa FB ay nabibiktima ng krimen.

    Kaya narito ang ilang paalaala ng Philippine National Police (PNP) para sa mas ligtas na paggamit ng mga social networking sites:

    - I-hide ang inyong account para maiwasang maging target ng mga stalker at sindikatong sangkot sa prostitusyon at human trafficking. Pumunta sa inyong "Account Settings" at baguhin ito. Imbes na "Everyone", piliin ang category na "Friends Only."

    - Iwasan ang pagsasapubliko ng inyong mga personal na impormasyon gaya ng lugar at taon ng inyong kapanganakan (birthday) pati na rin ang inyong cellphone number at adress.

    - Huwag magpabiktima sa mga internet messages na nagsasabing kayo ay beneficiary ng isang mayamang tao mula sa ibang bansa tulad ng Nigeria. Ito ay isang halimbawa ng patibong ng mga transnational crime syndicate.

    - Maging maingat din sa mga illegal recruiters na mag-aalok ng trabaho sa pamamagitan ng Facebook. Importanteng tiyakin muna sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) kung legal ang recuitment agency na nag-aalok ng trabaho at kung talagang may job order.

    - Mas mabuting iwasan din ang pakikipag-chat at pag-accept ng "Friend Request" sa mga hindi ninyo kilala.

    - Higit sa lahat, huwag basta-bastang magtitiwala.



Leave A Comment




 



TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »