• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Motorcycle lanes sa Commonwealth at Macapagal Blvd., umarangkada na

    By dzmm.com.ph | 00:00 AM 10/16/2011

  • "Nag-umpisa na nang paggamit ng motorcycle lanes sa Macapagal Blvd. at Commonwealth Avenue. "

    Umarangkada na ang pagpapatupad ng motorcycle lane sa dalawang pangunahing kalsada sa Metro Manila.


    Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino , itatalaga ang 4th lane o pinaka-gitna ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa mga motorsiklo habang ang outermost o pinaka-kanang lane naman ang magsisilbing motorcycle lane sa Macapagal Boulevard sa Pasay-Parañaque.

    Sinabi ni Tolentino na kung liliko pa-kaliwa ang mga nagmo-motorsiklo sa Macapagal Blvd., maaari silang pumasok sa inner lane, 100 metro bago ang intersection.

    Nilinaw naman ni Tolentino na hindi exklusibo ang motorcycle lanes sa mga nagmo-motorsiklo dahil maaari rin itong gamitin ng mga pribadong sasakyan sakaling walang masyadong dumadaang motor.

    Binanggit din nito na ang ang magiging resulta o epekto ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue at Macapagal Boulevard ang siyang gagamiting basehan kung ipatutupad din ito sa EDSA.

    Layon ng mga inilalagay na motorcycle lane na maiwasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo. With report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol




Leave A Comment




 



TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »