- PUBLIC SERVICE
- BACK TO PUBLIC SERVICE MAIN
-
"Madadalaw na ang mga bilanggo dahil sa electronic dalawa (e-dalaw) na inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Office of the Solicitor General (OSG)."Inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Office of the Solicitor General (OSG) ang electronic dalaw (e-dalaw).
Sinabi ni BJMP Chief Rosendo Dial na layon ng e-dalaw na mapaglapit ang mga bilanggo at mga kamag-anak nitong nasa laya.
Matagal na aniya itong plano ng BJMP pero ngayon lang naisakatuparan sa tulong ng OSG.
Sa ilalim ng e-dalaw na inilunsad sa Quezon City Jail, pinahihintulutan ang mga bilanggo na makausap ang kanilang mga kamag-anak sa loob ng limang minuto sa pamamagitan ng comupter at internet.
Bibigyang prayoridad ang mga bilanggong hindi madalaw dahil nasa malalayong probinsya ang mga kapamilya nito.
Tulad sa Quezon City Jail, naglaan din ng limang computer sa Women's Correctional sa Mandaluyong.
Mangangalap naman ng karagdagang pondo ang BJMP para palawigin ang e-dalaw.
Sinabi ni Dial na target nilang magkaroon ng e-dalaw sa lahat ng mga piitan na nasa ilalim ng BJMP na pangangasiwaan ng kanilang program management office.
Ang oras ng paggamit ng e-dalaw ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at muling itutuloy ng ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Bibigyan ang mga inmates ng tigli-limang minuto para makausap ang kanilang mga kamag-anak. Reports from Robert Mano and Johnson Manabat, Radyo Patrols
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »