- PUBLIC SERVICE
- BACK TO PUBLIC SERVICE MAIN
-
"Isang kasunduan ang nilagdaan ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga transport group ngayong araw para labanan ang kotong."Isang kasunduan ang nilagdaan ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga transport group ngayong araw para labanan ang kotong.
Kasabay nito, inilunsad din ng apat na ahensya ang Text Anti-kotong na mas pinag-ibayo sa naunang Anti-kotong campaign na ipinatupad ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Zeny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), nagawang mapababa ng dating Anti-kotong drive ang kaso ng pangogotong pero hindi aniya ito nagtuluy-tuloy kaya bumalik ang dating gawi ng mga tiwaling otoridad.
Sinabi naman ni DILG Secretary Jesse Lobredo na magpupulong ang mga transport sector kada dalawang buwan upang malaman kung nagiging epektibo ang bagong kampanya.
Tiniyak din ng Kalihim na bagama't Metro Manila pa lamang ang sakop ng kampanya, ipakakalat ito sa buong Pilipinas.
Para naman sa mga biktima ng kotong, maaaring iparating ang reklamo sa 0918-888-2749. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37
namatay pala yung anti kotong drive kaya pala dami nangongotong, teka, nabuhay nga ba? o baka naman nagmumulto lang kasi UNDAS
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »