- PUBLIC SERVICE
- BACK TO PUBLIC SERVICE MAIN
-
"Maaaring mag log-in sa www.epassport.com.ph o tumawag sa 737-1000 at makakakuha ng appointment sa loob ng dalawang linggo para sa regular processing."Pinag-ibayo pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang serbisyo ng e-passport application.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni DFA Assistant Secretary Jet Leda na nagkaroon dati ng mga problema dati sa e-passport application kaya in-improve nila ang serbisyo.
Ayon kay Leda, maaaring mag log-in sa www.epassport.com.ph o tumawag sa 737-1000 at makakakuha ng appointment sa loob ng dalawang linggo para sa regular processing.
Matapos ang pagpoproseso, aabutin lang ng 10 araw ang processing sa mga rush application habang 20 araw naman ang release ng pasaporte sa regular processing.
P1,200 ang bayad sa rush e-passport application habang P950 naman sa regular processing.
Bukod sa DFA office, pwede ring mag-apply ng pasaporte sa mga travel agency na accredited ng kagawaran.
God morning Mam and Sir gusto kopo sana kumuha ng pasaporte kailan po ang vacant na pwedi
matagal po akong viewer ng dos dor dos khit madling araw pagbukas ko ng tv nililipat ko po agad sa studio 23 para mapanood kayo.hihingi lang po sana ako ng tulong kasi po na sana po maaayos ang ugali ng isang staff na kalbo (step 1 window 19)sa DFA kasi po grabe pong pngbabastos ang ginawa sakin ang masama papo eh sa harap pa ng anak ko n 10years old.pumunta po kami sa DFA kasama ko ang 10,6 at 2 years old kong mga anak para kumuha ng passport kasi po iaaply ng asawa ko na ofw from australia kami ng visa.nagsimula po kami sa step 1 syempre napunta kami sa kalbong nasa window 19..pinasa ko yung application,my isang space po akong di nafill-up kasi 2001 lumabas ako ng bansa na ibang pangalan ang gamit po ang ginawa ko sumuko po kami sa immigration sa nagoya japan pra po makauwi na kami ng anak ko,buti papo sa japan inasikaso kami ng maayos at hindi din kami binastos kahit my nagawa akong mali,nakauwi po kami ng maayos tapos eto na nga po tinanong po sakin nung kalbo kung lumabas ako ng bansa sabi ko opo sir tumawa sya at prang nang iinsulto at hinanap nya yung anak ko na pinanganak ko sa japan at tinanong nya skin kung nasan ang nanay ng anak ko at sinabihan nya agad ako n nagsisinungaling ako at manloloko,syempre nagalit ako kasi maayos akong humarap sa kanya ang sabi ko sobra kanaman,pinaulit ulit nyang tanong skin kung pano sobra don at tinakot nya pa kong puede akong makulong sa ginawa ko sa harap NG TATLO KONG ANAK.UMIIYAK PO AKO SA JEEP PAUWI SA ALABANG KASI BIGLA PO AKONG NATULIRO AT NAPAHIYA SA ANAK KO DAHIL WALA NAMAN PO AKONG GINAGAWANG MASAMA..NAKALIMUTAN KO LANG PONG DALHIN YUNG TRAVEL DOCUMENT KO SOBRANG PANG IINSULTO ANG GINAWA SKIN AT SA HARAP PA NG TATLO KONG ANAK...NANANAWAGAN PO AKO SA HEAD NG DFA NA SANA NAMAN TURUAN NYA YUNG MGA STAFF NYA NG MABUTING ASAL..MY NAKALAGAY SA SA LOOB NG WE SERVE WITH THE SMILE..sana po sir anthony at sir jerry matulungan nyo po ako kasi po malamang di nya lang skin ginawa un kundi sa iba pang aplikante ng dfa na kumukuha ng passport..babalik po kami dun sa thursday sana po maging maayos na kasi pati mga anak ko natrauma sa ginawa nyang pambabastos skin..kung nandito lang ang asawa ko bka nasapak n yun..maraming salamat po...
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »