• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Tips para matipid ang iyong Christmas bonus

    By Nikki Delos Santos, dzmm.com.ph | 09:41 PM 11/24/2012
  • image
    "Ang Disyembre, bukod sa panahon ng pagbibigayan ay panahon din ng mabigat na paggasta kaya may tips ang isang financial expert para matipid ang Christmas bonus."

    Ang Disyembre, bukod sa panahon ng pagbibigayan ay panahon din ng mabigat na paggasta.

    Bago pa man tuluyang maubos ang inyong Christmas bonus ay narito na ang ilang paaala, hindi lamang para matipid ito, kundi mailagay na rin sa mas kapaki-pakinabang na gawain.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, nagbigay ng dalawang stratehiya ang financial expert na si Salve Duplito para matipid ang inyong Christmas bonus.

    1) Mag-target ng 10% para sarili

    Sa matatanggap na Christmas bonus, dapat ilaan na ang 10 porsyento nito para iyong sarili.

    Dito mo maaaring kunin ang pambili mo ng mga damit, sapatos, at iba pa nang sa gayon ay mapakinabangan mo ang maliit na bahagi ng iyong bonus.

    Matapos nito ay maaari mo nang maitabi para sa iba pang gastusin o di kaya'y mag-impok sa bangko o iba pang kaparehong financial institution.

    2) Bayaran ang mga bills

    "Kung ang utang sa inyong credit card ay sobrang laki na, wala ka munang karapatan ng lavish spending ngayong Pasko," paalala ni Duplito.

    Ayon kay Duplito, dapat bayaran ang malalaking credit card bills gamit ang inyong Christmas bonus para makatipid ng mas malaking halaga sa papasok na taon.

    Samantala, narito naman ang ilang tips para tumubo o lumaki pa inyong Christmas bonus:

    1) Ilagay sa stockmarket

    Sa halagang P5,000 ay maaari na aniyang maging part-owner ng isang malaking kumpanya.

    Kaysa ibili ito ng mamahaling gamit na naluluma rin ay mas magandang ilagay ito sa stocks para tumubo pa kasabay ng pag-unlad ng kumpanyang inyong mapipili.

    "When you buy a stock of a company, you have a slice of that company."

    "Pag gumaganda yung income nila, gumaganda yung income mo."

    Gayunman, paalala ni Duplito, huwag ilalagay ang pera sa mga hindi mo pa alam na negosyo.

    Dapat munang pag-aralan ito para masigurong hindi mauuwi sa wala ang inyong ipinundar.

    "Huwag maglalagay sa isang bagay na hindi mo naiintindihan. Dapat intindihin mo rin, may kasamang studying ito," dagdag niya.

    2) Mag-negosyo

    Kung nais mong mas lumago pa ang inyong Christmas bonus ay maaari namang magtayo ng maliit na negosyo o kaya'y sideline business.

    Patok pa rin aniya ang pagtatayo ng food business dahil kadalasan ay hindi ito nalulugi ngunit nangangailangan ng oras at lakas.

    Maganda rin ang mga traditional food business at hindi ang nakikisabay lang sa uso tulad ng mga milk tea food cart para siguradong hindi agad ito maluluma.

    3) Ilagay sa bangko

    Pinaka-importante sa lahat ang pagtitipid kaya payo ni Duplito ay dapat ihiwalay na ang matatanggap na bonus at ilagay sa isa pang bank account na hindi nagagalaw.

    Maaari na aniyang awtomatikong ipabawas sa inyong tatanggaping bonus ang porsyento nito at ilagay sa magkahiwalay na savings account na hindi magagalaw.

    Dagdag pa niya, kailangang maging wa-is sa panahon ng kapaskuhan.

    Mas maganda aniya ang magkaroon ng pre-Christmas planning o resolution kaysa sa New Year's resolution dahil ikaw din ang aani ng magandang resulta nito pagpasok ng 2013.





TOP NEWS
  • NATIONAL Dagdag-kapangyarihan para kay PNoy, 'di maaaprubahan ng Kongreso ngayong buwan September 23, 2014 17:20:38 »
  • METRO 7 pulis-Maynila, ipinaaaresto dahil sa pangongotong September 23, 2014 17:41:50 »
  • ENTERTAINMENT Daniel, nag-sorry kay Kathryn kaugnay ng audio scandal September 23, 2014 10:45:36 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, wagi vs India sa Asian Games September 23, 2014 15:19:57 »
  • PAPAL VISIT 30 Yolanda at Bohol quake survivors, makakasalo ng Santo Papa sa tanghalian September 23, 2014 13:13:01 »
  • REGION Napaulat na hostage taking sa Bulacan, gawa-gawa lang September 23, 2014 12:19:21 »
  • WORLD Aegis Malaysia, nag-sorry sa mapanirang ad vs PH September 23, 2014 07:11:57 »