- PUBLIC SERVICE
- BACK TO PUBLIC SERVICE MAIN
-
"Umpisa na ngayon nang mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA."Umpisa na ngayon nang mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA.
Ibig sabihin, huhulihin na at pagmumultahin ang mga lalabag sa panuntunan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na itinuro sa dry-run noong nakaraang linggo.
Ang mga mahuhuling nakainom habang nagmo-motorsiklo ay pagmumultahin ng P2,000.
Kapag nahuli namang nagte-text o kaya'y tumatawag sa cellphone habang nagmo-motorsiklo ay P200 ang multa.
Ang mga hindi gumagamit ng headlight at sira ang side mirror ay pagmumultahin ng P150.
Kapag nagmamaneho ng motor nang walang helmet maging ang backrider nito, P150 rin ang multa.
Kung binago naman ang motorsiklo nang walang pahintulot ng Land Transportation Office (LTO) ay pagmumultahin ng P500.
Para sa mga nagmo-motorsiklong naka-sando, T-shirt, naka-sandals o naka-tsinelas, P300 ang multa, habang P150 naman sa mga walang plaka.
Sa fourth lane o pang-apat na linya mula sa bangketa ang inilaan para sa mga nagmo-motorsiklo sa EDSA. Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol
mahigpit na ipinatutupad? punta kayo sa edsa para malaman niyo.
sana mas mataas ang multa and/or parusa sa mga pulis na lumalabag sa batas katulad ng pagmomotor ng wala helmet o wala plaka. bakit sila hindi hulihin?
sana maging consistent kayo, kung hinuhili yang violators na yan dapat all the time hinuhili hindi yong trip lang ninyo mang huli saka kayo mang huli, diba kasi pag ganun lalong titigas ang ulo ng mga nag momotor na yan.... dibaa!
Nanghuhuli ang MMDA ng mga modified na motor eh samantalang sinuspinde ito ng LTO noon pang 2008. Sino ba sa dalawang ahensya ng gobyerno ang mas mataas at dapat masunod? MMDA ba o ang LTO? Masyadong dini-discriminate ng MMDA ang mga nag momotor hindi lahat ng rider ay pasaway at dapat ay kumunsulta muna sila sa lehitimong riders at hindi sa mapapel na presidente ng MCPF na si Atoy Sta. Cruz Here's the link for the AO released by LTO. http://www.lto.gov.ph/fines_and_penalties/Memorandum_011510.pdf
Nanghuhuli ang MMDA ng mga modified na motor eh samantalang sinuspinde ito ng LTO noon pang 2008. Sino ba sa dalawang ahensya ng gobyerno ang mas mataas at dapat masunod? MMDA ba o ang LTO? Masyadong dini-discriminate ng MMDA ang mga nag momotor hindi lahat ng rider ay pasaway at dapat ay kumunsulta muna sila sa lehitimong riders at hindi sa mapapel na presidente ng MCPF na si Atoy Sta. Cruz Here's the link for the AO released by LTO. http://www.lto.gov.ph/fines_and_penalties/Memorandum_011510.pdf
Hear hear! Ako ay hindi nakatira sa Maynila kundi dito sa Butuan city, Mindanao pero nais ko ding ipatupad ang ganyang regulasyon sa lugar namen dahil napakarami nga naman talagang matitigas ang ulo lalo't pa't yung mga baguhan na motorcycle driver kung makapatakbo sila ng kanilang motor akala mo ba naman eh may karera! Siguro lahat na ng mga nagmamanaeho nito mg pasaway kasi napakaliit lang ng espasyo ng motor at madali lang nilang magagawa kung anu man ang gusto nilang gawin dyan sa lintik nilang motor. Kaya ako never akong bibili ng motor bukod sa delikado na pwede ka pang hulihin mas mabuti na nga lang siguro ang kotse kahit second hand lang at least ligtas basta may tamang disiplina lang ang nagmamaneho.
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »