• PANAHON
    Manila, 31°C
    Cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Rainy
  • Mga tiwali at mabuting kawani ng MMDA, puwede nang ireport sa website

    By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 11:13 PM 09/22/2012
  • image
    "Inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isang bagong website kung saan maaaring ireport ang mga reklamo sa mga tiwali gayundin ang papuri para n"

    Inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isang bagong website kung saan maaaring ireport ang mga reklamo sa mga tiwali gayundin ang papuri para naman sa mabubuting traffic enforcers at iba pang kawani ng ahensya.

    Layunin ng programang "Metro Solusyon" ng MMDA na hikayatin ang mga mamamayan na makiisa sa paghahanap ng solusyon sa mga problema sa Kamaynilaan gaya ng korapsyon, public safety at kalinisan.

    "MMDA's mission through this website is to help eradicate corruption in the streets of Metro Manila by encouraging & strengthening citizen participation," ayon sa MMDA.

    Para sa may mga reklamo, kailangang sundin ang step-by-step na proseso at ibigay ang mga kinakailangang impormasyon gaya ng mga sumusunod:

    -Buong pangalan ng inirereklamo
    -Salaysay ng nangyaring insidente
    -Mga batas na nilabag
    -Maaari ring maglagay ng mga larawan at video

    Pero bukod sa mga reklamo, hinihimok din ng MMDA na ireport sa kanila ang mga mabubuting kawani.

    Anila, layunin nitong mahikayat ang mga kawani ng MMDA na gawin ng wasto ang kanilang mga trabaho sa ikaaayos na rin ng mga lansangan ng Metro Manila.

    "Help us motivate/inspire the men & women behind the MMDA by reporting encounters with honest, praiseworthy MMDA employees for government employees to emulate."





TOP NEWS
  • NATIONAL Survey result ng posibleng presd'l contenders sa 2016, balewala sa palasyo December 22, 2014 18:20:32 »
  • METRO NCRPO, naka-full alert ngayong Kapaskuhan December 22, 2014 12:03:16 »
  • ENTERTAINMENT Ara Mina sa pagiging bagong ina December 21, 2014 08:06:42 »
  • SPORTS Thailand, kampeon sa 2014 AFF Suzuki Cup December 21, 2014 19:45:30 »
  • PAPAL VISIT 10 religious leaders, makakausap ng Santo Papa sa UST December 22, 2014 17:02:13 »
  • REGION 2 bata, nalunod sa Christmas party sa resort sa La Union December 22, 2014 18:14:55 »
  • WORLD 8 bata, pinatay umano sa saksak sa Australia December 19, 2014 17:50:14 »