• PANAHON
    Manila, 30°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Partly cloudy
  • Kauna-unahang ABS-CBN mobile store, binuksan

    By dzmm.com.ph | 08:06 AM 12/11/2013
  • image
    "Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang mobile store ng Kapamilya network, Miyerkules ng hapon."

    Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang mobile store ng Kapamilya network, Miyerkules ng hapon.

    Pinangunahan nina ABS-CBN Chairman Eugenio "Gabby" Lopez III at President at Chief Executive Officer Charo Santos-Concio ang pagbubukas ng ABS-CBN mobile store.

    Ayon kay Nandy Villar, marketing head ng ABS- CBN mobile store, tampok sa tindahan ang mga modernong gadget, special phone kits at ang subscriber identity module (SIM) card ng ABS-CBN na mabibili sa halagang P30 lamang.

    Gamit ang ABS-CBN prepaid SIM, mapapanood na ng mga Kapamilya ang lahat ng paborito nilang programa ng ABS-CBN gamit ang kanilang mobile device.

    P1 kada minuto lamang ang halaga ng pagtawag sa kapwa ABS-CBN mobile subscriber gamit ang prepaid SIM ng Kapamilya network.

    May libre ring 5 megabytes ng mobile data na maaaring gamitin sa mobile internet at 15 libreng text sa lahat ng network ang prepaid SIM.

    Matatagpuan sa Eugenio Lopez Jr. (ELJ) Communications Center sa ABS-CBN Compund sa Quezon City ang mobile store na bukas mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:30 ng gabi Lunes hanggang Biyernes at alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi kung weekend. Report from Robert Mano, Radyo Patrol





TOP NEWS
  • NATIONAL 'My husband gave his life for peace' January 30, 2015 17:32:40 »
  • METRO 2 granada, bumulabog sa MPD Station 7 January 30, 2015 08:22:00 »
  • ENTERTAINMENT MJ Lastimosa, balik-bansa matapos sumabak sa Miss Universe January 29, 2015 06:23:44 »
  • SPORTS Mayweather, bumisita sa tinutuluyang hotel ni Pacquiao January 28, 2015 21:36:50 »
  • PAPAL VISIT Alamin ang mga Pinoy food na inihanda kay Pope Francis sa flight pa-Roma January 22, 2015 21:14:25 »
  • REGION 1 patay, 1 sugatan sa pagsabog sa Basilan January 30, 2015 18:09:29 »
  • WORLD Paghagilap sa Malaysia Airlines flight MH370, inihinto na January 30, 2015 08:23:54 »