• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Iwas-krimen tips ng PNP sa mga estudyante

    By Roanne Beltran, dzmm.com.ph | 12:02 PM 06/10/2013
  • image
    "Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang mga estudyante laban sa mga kriminal."

    Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang mga estudyante laban sa mga kriminal.

    Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PNP spokesperson Generoso Cerbo na isa sa pinaka-karaniwang krimen na nagaganap tuwing pasukan kung saan karamihang nabibiktima ay mga estudyante, ay may modus operandi na "tutok-kalawit"

    "Meron tayong mga criminal gang, ang modus operandi ay binibiktma ang mga mag-aaral. Meron tayong tutok-kalawit, snatcher, holdaper, yung mga nagnanakaw ng cellphone."

    "'Yung tinatawag natin na tutok-kalawit, 'yung aakbayan 'yung mag-aaral, tutukan, hihingiin yung baon, hihingin ang kanilang mga cellphone," ani Cerbo.

    Kadalasan anya ay lalapitan ng suspek ang estudyante at doon na tutukan na kung minsan akala ng ibang taong makakakita ay magkakilala ang biktima at suspek.

    "May makita silang mag-aaral na naglalakad mag-isa, pupuntahan nila yan at aakbayan na kala mo'y magkaibigan lang pero binubulungan 'yon na 'wag ka papalag, meron akong panaksak dito at sasaksakin kita. Bigay mo sa akin cellphone mo'. So ang mga nakakakita sa labas, hindi n'yo napapansin na nahoholdap na pala."

    Sinabi pa ni Cerbo na tuwing pasukan, hindi maiiwasang may mga masasamang loob na bibiktimahin ang mga estudyante.

    "We are sure na maraming naglipana ang mga ganitong klase ng elemento to take advantage, 'yung dagsa ng ating mga mag-aaral."

    Paalala ng PNP, hindi man palaging nakabantay ang mga pulis ngunit pinapayuhan naman ang mga estudyante na ingatan ang sarili at iwasang pumunta o dumaan sa mga delikado at madilim na lugar.

    "Sa mga kabataan na lagi naming pinapayuhan, of course may pulis pero not all the time andyan yan, so maging maingat din. Yung kanilang alert level o security consiousness dapat maging mataas din. Huwag nyang ilagay yung sarili nya sa pagkakataong pwede syang mabikitma."

    "Umiwas 'sya sa lugar na for example siya lang mag-isa ang naglalakad, madidilim na lugar o kaya 'yung mga lugar na sabihin na nating crime-prone o medyo pinamumugaran ng criminal elements ."

    Sakaling namang maranasan ang naturang insidente o makatanggap ng report, ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad.

    "Makipag-ugnayaan sa mga pulis 'pag may mga ganitong klase ng impormasyon o reklamo. Ilapit sa police assistance desk, school authorites o barangay officials," sabi pa ni Cerbo.





TOP NEWS
  • NATIONAL Paglilipat sa NBP, ipinamamadali November 22, 2014 20:57:53 »
  • METRO Naka-motorsiklong traffic enforcer, nagulungan ng trak sa QC November 22, 2014 21:11:51 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 22, 2014 10:56:50 »
  • SPORTS PH Azkals, tinambakan ang Laos sa Suzuki Cup November 22, 2014 17:00:26 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 4-taong gulang na paslit, ginilitan ng lolo November 22, 2014 21:05:47 »
  • WORLD Manikang pangontra kay Barbie, ibinibenta sa US November 22, 2014 14:47:35 »