• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Gov't workers, mayroon nang 5-day special calamity leave

    By Pau Atienza, dzmm.com.ph | 15:38 PM 02/22/2012

  • "Maaari nang mag-avail ng limang araw na special emergency leave ang mga empleyado ng pamahalaan na direktang naapektuhan ng kalamidad."

    Maaari nang mag-avail ng limang araw na special emergency leave ang mga empleyado ng pamahalaan na direktang naapektuhan ng kalamidad.

    Nakasaad ito sa resolusyong ipinalabas ng Civil Service Commission (CSC) sa harap na rin ng madalas na pagtama ng kalamidad sa bansa.

    "With the increasing risks brought about by climate change and global warming, the Commission saw it necessary to offer assistance to state workers affected by natural calamities in the form of special leave. We hope that this would give affected employees respite and ample time to recover," sabi ni CSC Chair Francisco Duque III.

    Batay sa CSC Resolution No. 1200289 na ipinalabas noong Pebrero 8, ang mga kawani ng pamahalaan na nakatira sa mga lugar na idineklarang calamity areas ay maaaring mag-avail ng limang araw na special emergency leave. Maaari itong i-avail ng isang buhos o utay-utay sa loob ng 30 araw mula sa deklarasyon ng state of calamity sa isang lugar.

    Nakasaad pa sa resolusyon na hindi maaaring ibawas sa leave credits ng empleyado ng 5-day special calamity leave na ito.

    Kabilang sa natural calamity o disaster na sakop ng calamity leave ang lindol, pagbaha, pagputok ng bulkan at landslide na nagdulot ng matinding epekto sa buhay ng mga tao, kapaligiran at kabuhayan.



Leave A Comment




 

nette  March 11, 2012 09:02:31

what about the teachers? can we avail the same since we are also a govt employee?

 


TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »