• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly rainy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 32°C
      Partly cloudy
  • Gastusin ng mga miyembrong may malubhang sakit, sagot na ng PhilHealth

    By dzmm.com.ph | 12:15 PM 09/18/2012
  • image
    "Sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ang gastusin ng kanilang miyembro na may matinding sakit."

    Sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ang gastusin ng kanilang miyembro na may matinding sakit.

    Ito'y matapos pirmahan na ang kasunduan sa pagitan ng PhilHealth at pharmacuetical companies na magbibigay ng 30 hanggang 80 porsyentong diskwento sa mga gamot na pasok sa Package Z ng PhilHealth.

    Kabilang sa mga sakit na sakop ng naturang package ang childhood leukemia, breast cancer stage 0 hanggang III-A, prostate cancer low hanggang intermediate risk, end stage kidney disease na nangangailangan ng transplant.

    Bawat package ay may kaukulang budget matapos makapaglaan ng sapat na pondo para rito.

    Dulot nito, sagot na ng PhilHealth ang lahat ng gastusin ng pasyente kung sila ay magpapagamot sa mga public hospital na kinontrata ng Philhealth. 

    Sa mga katanungan, maaring tumawag sa hotline ng PhilHealth. Report from ABS-CBN News





TOP NEWS
  • NATIONAL Pagkabit ng GPS device sa mga bus, oobligahin ng LTFRB August 01, 2015 21:03:08 »
  • METRO TINGNAN: Ilang bahagi ng M. Manila, binaha dahil sa thunderstorm August 01, 2015 18:24:33 »
  • ENTERTAINMENT Promoter ni Chris Brown, humarap sa DOJ kaugnay ng kasong estafa July 31, 2015 19:17:41 »
  • SPORTS SILIPIN: Bagong uniporme ng UP Maroons July 30, 2015 19:44:44 »
  • REGION Pinakamataas na lider ng NPA sa Panay Is., timbog August 01, 2015 15:53:28 »
  • WORLD Binatilyo, suspek sa pagpatay ng 8-anyos na bata sa California August 01, 2015 17:23:34 »
  • GOOD NEWS Pinoy students, wagi sa 'Go Green in the City' contest sa Paris June 28, 2015 20:25:13 »