• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • DTI, may helmet inspection at ICC marking sa ilang malls tuwing Biyernes at Sabado

    By dzmm.com.ph | 08:08 AM 11/15/2012
  • image
    "Ayon sa Department of Trade and Industry, naglulunsad na sila ng inspeksyon at marking sa apat na SM Malls sa Metro Manila tuwing Biyernes at Sabado."

    Hindi na kailangang lumiban sa trabaho ang mga motoristang magpapa-inspeksyon ng helmet at magpapalagay ng Import Commodity Clearance (ICC) stickers.

    Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), naglulunsad na sila ng inspeksyon at marking sa apat na SM Malls sa Metro Manila tuwing Biyernes at Sabado.

    Mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, bukas ang inspection centers ng Bureau of Product Standards (BPS) sa mga sumusunod na lugar:

    1. 5th Floor Bridgeway, SM Megamall, Mandaluyong City
    2. 2nd Floor South Area, SM Mall of Asia- Pasay City
    3. Supersale Club Area (beside The Block), SM North EDSA-Quezon City
    4.5th Floor - SM Manila- Ermita

    Ayon sa DTI, hindi na rin kailangang mag-fill up ng application form para sa ICC inspection ang mga motorista.

    Magdala lamang anila ng valid ID o anumang government-issued ID para masertipika ng inspecting officer ang helmet.

    Magtutuloy-tuloy ang programang ito hanggang Disyembre 8.

    Bukas pa rin naman para sa inspeksyon at marking ang mga tanggapan ng DTI sa National Capital Region (NCR), mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

    1. DTI Area Office, Hi-way 54 Plaza, 986 Stanford St., EDSA, Quezon City (infront of SM Megamall)
    2. DTI CAMANAVA Area Office, 5F Araneta Square Mall, Bonifacio Monument Circle, Rizal Ave. Ext. cor. Samson Rd., Caloocan City
    3. DTI Area Office, Mezzanine Floor, Roxas Strip Bldg, Roxas Blvd., cor. Arnaiz Ave, Pasay City

    Paalala sa lahat ng motor riders, hanggang Disyembre 31 na lamang maaaring magpa-inspeksyon at magpalagay ng ICC stickers sa mga heltmet.

    Alinsunod sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2010, pagmumultahin na ng P1,500 ang mga mahuhuling walang standard na helmet simula Enero 1, 2013.





TOP NEWS
  • NATIONAL Higit 100,000 biyahero mula sa bakasyon, naitala sa mga pantalan April 20, 2014 20:06:59 »
  • METRO Hilera ng apartment, nasunog sa Maynila; P2-M halaga ng ari-arian, natupok April 20, 2014 08:03:26 »
  • ENTERTAINMENT Saan nag-Semana Santa ang ilang Kapamilya stars? April 20, 2014 18:28:06 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION 3 kasama sa flight ng OFW na unang nagpositibo sa MERS-CoV, na-quarantine sa Bacolod April 20, 2014 19:15:26 »
  • WORLD Pagwawakas ng digmaan sa mundo, dasal ni Pope Francis ngayong Pasko ng Pagkabuhay April 20, 2014 19:14:59 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »