• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • iPhone 5, pinagkaguluhan sa ilang bansa sa Asya

    By dzmm.com.ph | 12:56 PM 09/21/2012
  • image
    "Nag-unahan sa pagbili ng pinakabagong gadget ng Apple ang maraming kustomer sa ilang bansa sa Asya gaya ng Hong Kong, Japan at Singapore gayundin sa Australia."

    Nag-unahan sa pagbili ng pinakabagong gadget ng Apple ang maraming kustomer sa ilang bansa sa Asya gaya ng Hong Kong, Japan at Singapore gayundin sa Australia.

    Gabi pa lamang ng Setyembre 20 ay nakapila na ang mga Apple user sa mga shop upang masigurong sila ang unang makakabili ng smartphone na iPhone 5.

    Ngayong Biyernes, Setyembre 21 ang unang araw ng pagbebenta ng iPhone sa nasabing mga bansa gayundin sa Amerika, United Kingdom, Canada, France at Germany.

    Ibebenta na rin ito sa 22 pang bansa sa susunod na linggo.

    Nabatid na sa loob lamang ng 24 na oras mula nang ilunsad, nakatanggap ang Apple ng 2-milyong order ng iPhone 5, doble kumpara nang ilunsad sa merkado ang iPhone 4s noong nakaraang taon. Report from Associated Press





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Debate, di uurungan ni Trillanes pero Binay, dapat pa ring humarap sa Senado October 25, 2014 20:45:45 »
  • METRO OsmeƱa Highway, muling binuksan October 25, 2014 15:06:37 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Donaire, pinasok ang maling timbang - analyst October 25, 2014 15:59:30 »
  • PAPAL VISIT Shooting ng music video para sa pagdating ng Santo Papa, sinimulan na October 25, 2014 20:21:45 »
  • REGION P6-M ng shabu, nasabat sa Cotobato City October 25, 2014 20:25:18 »
  • WORLD 16 patay sa pagguho ng minahan sa China October 25, 2014 20:37:08 »