• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • WHO: Coronavirus, posibleng maipasa tao sa tao

    By dzmm.com.ph | 10:21 AM 05/16/2013
  • image
    "Posibleng maipasa tao sa tao ang novel coronavirus (nCoV) sa Europe at Middle East, ayon sa World Health Organization (WHO)."

    Posibleng maipasa tao sa tao ang novel coronavirus (nCoV) sa Europe at Middle East, ayon sa World Health Organization (WHO).

    Matapos bumisita sa Saudi Arabia kung saan may pinakamaraming naitalang kaso, sinabi ni WHO Assistant Director-General Keiji Fukuda na wala pa namang ebidensya ng "generalised transmission in communities".

    Pero, sinabi niyang "Of most concern ... is the fact that the different clusters seen in multiple countries ... increasingly support the hypothesis that when there is close contact, this novel coronavirus can transmit from person to person."

    Kabuuang 40 kaso ng nCoV na ang naitala kung saan 20 na ang nasawi.

    Bukod sa Saudia Arabia, sa ngayon may mga kaso na rin ng sakit sa Jordan, Qatar, Germany, Britain at France.

    France

    May dalawa nang kumpirmadong kaso ng kahalintulad na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na sakit sa France.

    Ayon sa Health Ministry ng bansa, posibleng human-to-human transmission ang nangyari.

    Ang 50-anyos na lalaking pinakahuling tinamaan ng sakit ay napag-alamang nakihati sa kwarto ng ospital sa unang pasyente ng sakit sa bansa na isang 65-anyos na lalaki na galing Dubai.

    Ngunit nililinaw na maliliit na ebidensya pa lamang ng direkta at sustained human-to-human transmission ng sakit.

    Patient-to-nurse infection sa Saudi

    Dalawang health workers naman sa Saudi ang tinututukan ngayon matapos makakuha ng nakamamatay na coronavirus mula sa mga pasyente nito.

    Ito ang unang pagkakataong hinihinalang naipasa ang sakit sa ospital.

    "This is the first time health care workers have been diagnosed with nCoV (novel coronavirus) infection after exposure to patients," pahayag ng WHO.

    Kabilang ang dalawang kaso sa anim na pinakahuling tinamaan ng sakit sa bansa.

    "This is the first time we have pretty hard and fast evidence of it," ani WHO spokesman Gregory Haertl.

    "Health care facilities that provide care for patients with suspected nCoV infection should take appropriate measures to decrease the risk of transmission of the virus to other patients and health care workers," ayon pa sa WHO. Report from Reuters and Agence France-Presse





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 'Chedeng,' hihina pa habang papalapit sa lupa April 02, 2015 15:31:09 »
  • METRO Halos 30 pasahero, sugatan sa aksidente ng bus sa EDSA April 01, 2015 08:34:13 »
  • ENTERTAINMENT Martin Nievera, may concert para sa OFWs sa Qatar March 29, 2015 18:02:49 »
  • SPORTS Donaire at Nietes, wagi sa Pinoy Pride 30 March 29, 2015 07:52:19 »
  • REGION Aurora, magpapatupad na ng preemptive evacuation dahil kay Chedeng April 02, 2015 13:20:47 »
  • WORLD Magnitude 7.7 na lindol, tumama sa Papua New Guinea March 30, 2015 08:16:52 »
  • GOOD NEWS 79-anyos na lolo, natupad ang pangarap na makapagtapos ng Law March 22, 2015 20:29:05 »