• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Pinakamatandang tao sa buong mundo, pumanaw na sa edad na 116

    By dzmm.com.ph | 12:38 PM 06/12/2013
  • image
    "Namatay na ang itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo sa edad na 116."

    Namatay na ang itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo sa edad na 116.

    Mula sa ulat ng Kyodo News, binawian ng buhay sa ospital si Jiroemon Kimura, Miyerkules ng umaga.

    Ipinanganak noong 1897 si Kimura sa Kyotango, Kyoto Prefecture.

    Kinilala siya ng Guinness World Records bilang world's oldest living person noong Disyembre 2012 nang mamatay ang isang babaeng taga-Amerika sa edad na 115.

    Sa ika-28 ng kaparehong buwan ay idineklara rin siyang oldest man sa edad na 115 years at 253 days.

    Nagdaos pa ng ika-116 taong kaarawan si Kimura noong Abril kung saan nakatanggap pa siya ng isang pre-recorded video greeting mula sa Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe.

    Nagkaroon ng pitong anak si Jiroemon, 14 na mga apo, 25 apo sa tuhod at 14 na mga apo sa talampakan.

    Nagtrabaho siya sa isang post office sa loob ng 40 taon at matapos magretiro ay itinuon ang pansin sa pagsasaka na ipinagpatuloy niya hanggang sa edad na 90.

    Nagsagawa naman ng mga pag-aaral ang lokal na pamahalaan upang pag-aralan ang sikreto ni Kimura at ng 60,000 iba pang residente ng Kyotango na may edad 100 sa pagkakaroon ng mahabang buhay. Report and photo from Agence France-Presse





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pagtestigo ni Gigi Reyes sa Senado, hiniling ni Miriam April 21, 2014 17:03:34 »
  • METRO Deniece, Cedric, et al., ipinaaaresto na sa kasong serious illegal detention April 21, 2014 15:17:13 »
  • ENTERTAINMENT Vintage car ni Angel Locsin, naka-subasta para sa 'Yolanda' victims April 21, 2014 11:22:53 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION Alkalde ng Gonzaga, Cagayan, binaril habang nasa flag raising ceremony April 21, 2014 16:22:11 »
  • WORLD 5 OFW sa UAE na hinihinalang nahawa ng MERS-CoV, tinututukan ng DFA April 21, 2014 15:41:26 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »