• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Ilang embassy staff, pinauuwi na ng US dahil sa banta ng Al-Qaeda

    By dzmm.com.ph | 03:31 PM 09/16/2012
  • image
    "Ipinag-utos na ng US State Department ang pagpapauwi sa ilang tauhan nito sa embahada sa Sudan at Tunisia sa harap ng pagpuntirya ng Al-Qaeda sa Amerika."

    Ipinag-utos na ng US State Department ang pagpapauwi sa ilang tauhan nito sa embahada sa Sudan at Tunisia sa harap ng pagpuntirya ng Al-Qaeda sa Amerika.

    Una nang nanawagan ang Al-Qaeda in the Arabian Peninsula (AQAP) na paigtingin pa ang insidente ng karahasan laban sa US diplomatic missions sa Middle East at Africa kasabay ng paghimok sa mga Muslim sa bahagi ng Amerika na atakehin ang mga simbolo ng US, ayon ito sa SITE Intelligence Group.

    Agad na pinauwi ng US ang lahat ng non-essential personnel sa embahada nito sa dalawang bansa sa pangambang pagsiklab pa lalo ng karahasan dulot ng anti-Muslim amateur film na prinoduce sa Amerika.

    Itoy' matapos hindi pinayagan ni Sudanese Foreign Minister Ali Karti ang hiling ng Amerika na magpadala ng special force para protektahan ang embahada nito sa Khartoum.

    Laganap na sa maraming Muslim countries ngayon ang karahasang puntirya ang mga simbolo ng US tulad ng embahada, paaralan at restaurant dulot ng naturang amateur video na pinamagatang "Innocence of Muslims."

    Naitala ang pinakamarahas sa serye ng pag-atake sa iba't ibang bansa ang pagkasawi ni US ambassador to Libya Chris Stevens at tatlo pang Amerikano matapos pasabugin ang konsulado ng US sa Benghazi, Libya.

    Sa Afghanistan, patay ang dalawang US Marines matapos atakehin ng pwersa ng Taliban ang air base ng US sa probinsya ng Helmand kung saan nagsisilbi si Prince Harry, bilang bahagi umano ng kanilang paghihiganti sa anti-Islam film.

    Hindi naman bababa sa 11 demonstrador ang nasawi sa engkwentro ng pulisya kaugnay ng mga misyon ng US sa Egypt, Lebanon, Sudan, Tunisia at Yemen.

    Sinabi ni US Defence Secretary Leon Panetta na ginagawa na nito ang mga kaukulang paghahanda para sa naka-ambang pagtaas ng tensyon kaugnay ng isyu.

    Nagpadala na rin ng counter-terrorism Marine units patungong Libya at Yemen, at nag-istasyon din ng dalawang destroyers sa bahagi ng dalampasigan sa North Africa.

    Ilang insidente na rin ng karahasan ang naiulat sa Sydney, Belgium, France, Israel, Indonesia at Maldives.

    Samantala, sa pamamagitan ng isang liham kay United Nations Chief Ban Ki-moon, nanawagan ang grand imam ng Al-Azhar sa Cairo, Egypt sa isang pandaigdigang resolusyon na magbabawal sa lahat ng uri at porma ng pag-atake sa Islam at iba pang relihiyon.

    Ayon kay Los Angeles County Sheriff's Department spokesman Don Walker, iniimbestigahan na ngayon ng US federal authorities ang indibidwal na nasa likod ng pelikula na si Nakoula Besseley Nakoula kaugnay ng posibleng paglabag nito sa napagkasunduan habang under probation sa isang kaso sa US kung saan pinagbabawalan itong gumamit ng internet sa loob ng limang taon. Report from Agence France-Presse and photo from Reuters





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Debate, di uurungan ni Trillanes pero Binay, dapat pa ring humarap sa Senado October 25, 2014 20:45:45 »
  • METRO OsmeƱa Highway, muling binuksan October 25, 2014 15:06:37 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Donaire, pinasok ang maling timbang - analyst October 25, 2014 15:59:30 »
  • PAPAL VISIT Shooting ng music video para sa pagdating ng Santo Papa, sinimulan na October 25, 2014 20:21:45 »
  • REGION P6-M ng shabu, nasabat sa Cotobato City October 25, 2014 20:25:18 »
  • WORLD 16 patay sa pagguho ng minahan sa China October 25, 2014 20:37:08 »