• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 29°C
      Partly cloudy
  • 132 bilanggo, nakapuga sa Mexico prison

    By dzmm.com.ph | 03:51 PM 09/18/2012

  • "Mahigit 130 preso ang nakatakas sa bilangguan sa northern Mexico."

    Mahigit 130 preso ang nakatakas sa bilangguan sa northern Mexico.

    Batay sa imbestigayon, dumaan sa tunnel na may habang 21-talampakan at may lawak na 4-talampakan ang mga bilanggo sa Coahuila State Prison sa Piedras Negras City.

    Sinabi ni Coahuila Attorney General Homero Ramos Gloria na ang nasabing lagusan ay matagal ng nasa lugar at hindi maaaring gawin sa loob lamang ng isang araw.

    Kaya ikinulong na ang director at dalawang empleyado ng bilangguan habang iniimbestigahan sa naganap na pagpuga sa hinalang posibleng kasabwat ang mga ito.

    Narekober naman sa tunnel ang mga lubid at electric cables na pinaniniwalaang ginamit ng mga pugante.

    Ginagalugad na ng federal police units at mga tropang Mexican ang mga lugar na puwedeng puntahan ng mga pugante habang nagpalabas na ang Coahuila State ng pabuyang aabot sa $15,000 o mahigit P600,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakadakip ng mga nakatakas na preso. Report from Associated Press (photo courtesy from AFP)





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Sports car driver, sinita matapos sumingit sa convoy ni PNoy April 16, 2014 19:42:53 »
  • METRO Aminin ang pagkakamali, hamon ni Deniece kay Vhong ngayong Holy Week April 16, 2014 18:56:30 »
  • ENTERTAINMENT Mga kapatid ni Paul Walker, gaganap sa 'Fast 7' April 16, 2014 09:59:11 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION 5 patay, 15 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa CamSur April 16, 2014 16:20:38 »
  • WORLD Visa-free access sa Japan ng mga turistang Pinoy, posible - Amb. Lopez April 16, 2014 13:52:16 »
  • GOOD NEWS 29 taong paghahanap ng Fil-Am sa Pinoy na ama, natuldukan dahil sa DZMM April 14, 2014 21:51:10 »