• PANAHON
    Manila, 29°C
    Rainy
    • Baguio, 22°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 32°C
      Rainy
  • PH Team, nag-uwi ng 2 ginto mula sa Dragonboat World Cup sa China

    By dzmm.com.ph | 04:07 PM 06/16/2014
  • image
    "Dalawang gold, isang silver at isang bronze ang naiuwi ng Philippine Team sa katatapos na kauna-unahang International Dragon Boat Federation (IDBF) World Cup sa Fuzhou, China."

    Dalawang gold, isang silver at isang bronze ang naiuwi ng Philippine Team sa katatapos na kauna-unahang International Dragon Boat Federation (IDBF) World Cup sa Fuzhou, China.

    Tinalo ng Cobra Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Team ang powerhouse team ng China sa dalawang kategorya, sa 100-meter mixed standard boat category at 500-meter mixed standard boat category.

    Pumangalawa naman ang Pinoy paddlers sa 200-meter mixed standard boat at bronze medal sa men's/women's 400-meter relay.

    Sa kabuuan, nagtapos ang PH Team sa no. 2 o silver ranking sa world cup na pinaglabanan ng 12 bansa.

    Pero kumpiyansa ang mga ito na magiging number one din sila sa mundo sa dragon boat racing.

    Binigyan naman ang koponan ng P600,000 mula sa Cobra bilang bonus na siya nilang gagamitin sa paggawa ng bagong standard boat na gagamitin sa pag-eensayo.

    Bago ang world cup, nakakuha rin sila ng isang gold medal sa Macau Asian Championships.

    Sunod na target ng Cobra PDBF Team ang World Championships sa Canada sa 2015. Report from Dyan Castillejo, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Alok na DAP ng Malakanyang, tinanggihan ng SC July 24, 2014 21:56:45 »
  • METRO 32 paaralan sa QC, walang pasok ngayong Lunes dahil sa SONA July 24, 2014 21:57:52 »
  • ENTERTAINMENT Billy, inaming girlfriend na si Coleen July 24, 2014 20:59:04 »
  • SPORTS Sharapova at Murray, dadayo sa Pilipinas para sa tennis tour July 24, 2014 21:40:17 »
  • REGION Hulyo 28, idineklarang holiday sa Bulacan dahil sa INC centennial July 24, 2014 21:56:22 »
  • WORLD Air Algerie plane na may higit 100 sakay, bumagsak - Algerian aviation official July 24, 2014 21:57:53 »
  • GOOD NEWS Vigan, pasok sa 21 finalists ng 'New7Wonders' Cities July 08, 2014 22:47:32 »