• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Gilas, wagi kontra Uzbekistan sa FIBA Asia Cup

    By dzmm.com.ph | 04:26 PM 09/16/2012
  • image
    "Nakuha ng national men's basketball team Smart Gilas ang ikalawa nitong panalo matapos talunin ang Uzbekistan, 85-50 sa laro para sa FIBA Asia Cup sa Japan. (Photo from Gilas Twitter account @SmartGilas)"

    Nakuha ng national men's basketball team Smart Gilas ang ikalawa nitong panalo matapos talunin ang Uzbekistan, 85-50 sa laro para sa FIBA Asia Cup sa Japan.

    Unang pinatumba ng Smart Gilas Pilipinas ang koponan mula Lebanon nitong Sabado.

    Sa pagsasara pa lamang ng unang kwarter, inilatag na ng Gilas ang agwat sa kalaban sa iskor na 23-16.

    Nasemento ng Philippine team ang panalo nang dumistansya ang iskor na umabot pa sa 37 puntos sa nalalabing 2:22 minuto.

    Dulot nito, nangunguna na sa Group A ang Gilas sa 2-1 win-loss record.

    Nagtala ng 20 puntos si Jeff Chan, 20 puntos mula kay Jared Dillinger at siyam na puntos kay Marcus Douthit sa 14 minuto lamang na paglalaro sa court.

    Samantala,pinangunahan ni Vyacheslav Denisov na may 16 puntos ang Uzbekistan. Report from ABS-CBNnews.com 





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pangunahing suspek sa pagpatay kay Enzo Pastor, ipinababasura ang kaso October 24, 2014 21:15:46 »
  • METRO 4 suspek sa highway robbery, patay sa engkwentro sa Cavite October 24, 2014 17:07:39 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Ano ang susunod para kay Donaire? October 20, 2014 19:00:30 »
  • PAPAL VISIT Nominasyon sa pagpili ng makakasalo ni Pope Francis sa Tacloban, bukas na October 24, 2014 12:32:01 »
  • REGION 8 sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa Negros Occ. October 24, 2014 18:30:21 »
  • WORLD Doktor sa New York, nagpositibo sa Ebola October 24, 2014 08:59:33 »