• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Archers, nakaganti sa Tamaraws

    By dzmm.com.ph | 07:14 PM 09/16/2012
  • image
    "Nakaganti ang De La Salle University (DLSU) Green Archers sa Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos itong mapatumba, 63-56 sa katatapos na laro sa UAAP Season 75 men's basketball tournament sa Mall of Asia Arena."

    Nakaganti ang De La Salle University (DLSU) Green Archers sa Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos itong mapatumba, 63-56 sa katatapos na laro sa UAAP Season 75 men's basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

    Matatandaang pinalasap ng Tamaraws sa Archers ang una nitong talo sa torneo noong Hulyo 22.

    Sa muling paghaharap, napilayan ang Tamaraws sa kawalan nina Arvie Bringas at Mark Belo sa hanay matapos suspindehin dahil sa inasal sa laro noong Huwebes kontra University of the Philippines (UP) Maroons.

    Nagsilbi itong pagkakataon para sa Archers kung saan umarangkada ang laro ni Almond Vosotros na umabot sa 21 puntos, pinakamataas sa karera nito.

    Sa pagtatapos ng laro, magkaribal pa rin sa ika-apat na pwesto ang National University (NU) at DLSU sa parehong standing 8-5.

    Habang tumabla na rin sa ikalawa at ikatlong pwesto ang FEU sa University of Santo Tomas (UST) sa 9-4 win-loss record.

    Nakatakda namang makasagupa ng DLSU ang Adamson University (AdU) sa Huwebes para sa kampanya nitong makapasok sa Final 4 ng torneo. With report from Ricky Velasco, Radyo 39





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ilang bahagi ng Mindanao, uulanin dahil sa ITCZ October 25, 2014 07:39:04 »
  • METRO 4 suspek sa highway robbery, patay sa engkwentro sa Cavite October 24, 2014 17:07:39 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Ano ang susunod para kay Donaire? October 20, 2014 19:00:30 »
  • PAPAL VISIT Nominasyon sa pagpili ng makakasalo ni Pope Francis sa Tacloban, bukas na October 24, 2014 12:32:01 »
  • REGION 8 sugatan sa banggaan ng tricycle at kotse sa Negros Occ. October 24, 2014 18:30:21 »
  • WORLD Doktor sa New York, nagpositibo sa Ebola October 24, 2014 08:59:33 »