• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 34°C
      Partly cloudy
  • Sol Aragones, emosyonal na namaalam sa DZMM para tumakbo sa darating na halalan

    By dzmm.com.ph | 12:41 PM 09/21/2012
  • image
    "Emosyonal na namaalam ang brodkaster na si Sol Aragones sa DZMM kasabay ng pagkumpirmang tatakbo siya sa darating na halalan. "

    Emosyonal na namaalam ang brodkaster na si Sol Aragones sa DZMM kasabay ng pagkumpirmang tatakbo siya sa darating na halalan.

    Sa programang S.R.O. Suhestyon, Reaksyon at Opinyon sa DZMM, nagpasalamat si Aragones sa ABS-CBN, DZMM at kaniyang mga tagasuporta sa 13 taong pagsisilbi niya bilang mamamahayag.

    "Si Sol Aragones po ay magbabakasyon muna. Hindi ninyo muna ko makakasama sa ABS-CBN, dito sa S.R.O. Matindi po kasi ang panawagan ng aking mga kababayan sa 3rd district ng Laguna na maglingkod," ang umiiyak na pahayag ni Aragones.

    Nagbigay naman ng mensahe ang kaniyang mga naging kasamahan sa trabaho sa DZMM sa pangunguna ni Manila Radio Division Vice President Peter Musngi.

    Tatakbo si Aragones bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Laguna sa ilalim ng ticket ng United Nationalist Alliance (UNA) kung saan makakalaban niya si incumbent Rep. Ma. Evita Arago.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Poe, inaming kinausap ni Mar para maging running mate May 28, 2015 06:08:52 »
  • METRO Dagdag-singil sa tubig, epektibo sa Hunyo May 27, 2015 22:47:26 »
  • ENTERTAINMENT Bakit tumanggi si Jodi nang unang ialok ang 'Pangako Sa 'Yo'? May 26, 2015 20:31:33 »
  • SPORTS NCAA, balik ABS-CBN May 18, 2015 22:55:08 »
  • REGION Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol May 27, 2015 21:22:21 »
  • WORLD Higit 600 patay sa heat wave sa India May 26, 2015 12:48:18 »
  • GOOD NEWS TINGNAN: Vigan, hinirang na kabilang sa New7Wonder Cities May 08, 2015 12:48:38 »