• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Rotating brownout sa Mindanao, nagdudulot na ng panganib sa mga residente

    By dzmm.com.ph | 07:49 PM 04/18/2013

  • "Nagdudulot na ng panganib ang ipinatutupad na rotating brownout sa Mindanao dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente doon. "

    Nagdudulot na ng panganib ang ipinatutupad na rotating brownout sa Mindanao dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente doon.

    Sa General Santos City, patay ang 57-anyos na si Ignacio Sombrio matapos atakihin ng hika.

    Kailangan sana nitong gumamit ng nebulizer ngunit dahil sa brownout, hindi na ito naisalba pa at binawian na ng buhay.

    "Ilang beses naman siyang inatake pero basta may kuryente maaagapan tala 'yung hininga niya," ayon sa asawa nitong si Evelyn.

    Sa General Santos City pa rin, nakuhanan pa sa cellphone ang nasusunog na bahay dahil sa nag-overheat na flashlight na naka-charge para magamit kapag nag-brownout.

    Pero apela ni Energy Secretary Jericho Petilla sa mga taga-Mindanao, konting pasensiya pa dahil walang agarang solusyon sa problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa rehiyon.

    Sa kalagitnaan pa ng Hunyo makakarating ang mga paupahang modular gensets samantalang sa mga kooperatibang bibili, sa Oktubre pa ito maitatayo.

    Kalagitnaan pa ng 2015 pinakamaagang matatapos ang mga itinatayong planta kaya posibleng matagalan pa ang problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa Mindanao. Report from Alvin Elchico, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Mayor Binay, dumulog sa Senate Blue Ribbon Committee October 01, 2014 19:36:41 »
  • METRO VIDEO: Bakit biglang bumuhos ang ulan sa Metro Manila? October 01, 2014 21:10:49 »
  • ENTERTAINMENT TV Patrol Weekend, tumanggap ng medalya bilang nominado sa Int'l Emmy Awards October 01, 2014 20:41:40 »
  • SPORTS Buzzer-beater tres ni Mac Belo, nagpatumba sa La Salle; FEU, pasok sa finals October 01, 2014 20:26:38 »
  • PAPAL VISIT Pinoy peacekeepers sa Golan Heights, nasasabik para sa Papal visit October 01, 2014 13:45:53 »
  • REGION Evacuee sa Albay, patay sa atake sa puso October 01, 2014 19:22:19 »
  • WORLD Hong Kong online protests, umiigting October 01, 2014 13:27:00 »