• Patay sa engkwentro ng militar at Abu Sayyaf sa Sulu, 14 na

    By dzmm.com.ph | 11:50 AM 05/26/2013
  • image
    "Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa bakbakan ng Philippine Marines at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu Sabado ng umaga."

    Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa bakbakan ng Philippine Marines at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu Sabado ng umaga.

    Sa panayam kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Emmanuel Bautista, sinabi nitong nadagdagan pa ng dalawa ang unang limang napaulat na nalagas sa rebeldeng grupo

    Ayon pa kay Bautista, mga bagong kawani ng Philippine Marines na nagsasagawa ng huling yugto ng kanilang training at test mission ang nakasagupa ng ASG.

    Kasama sa misyon ng Marines ang pagligtas sa asawa ng kanilang kasamahan na bihag ng Abu Sayyaf.

    Tiniyak ni Bautista na tuloy-tuloy ang operasyon ng AFP sa Patikul para ma-rescue ang maybahay at iba pang bihag ng mga rebelde.

    Matapos ang insidente kahapon kontra ASG, inilagay sa heightened alert ang Sulu Police. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ikaw Na Ba: Panayam kay Chiz Escudero (Ikalawang Bahagi) February 06, 2016 16:59:48 »
  • METRO Peace caravan sa pagpasa ng BBL, umarangkada na January 19, 2016 11:50:55 »
  • ENTERTAINMENT Erik Matti, balak magpa-audition sa gaganap na ‘Darna’ January 16, 2016 16:09:00 »
  • SPORTS Dos Mil Kinse: Balitang palakasan December 31, 2015 00:21:54 »
  • REGION 2 pang nasawi sa Tagaytay car crash, kilala na January 19, 2016 12:25:47 »
  • WORLD 7 patay sa Indonesia attack; atake, inako ng ISIS January 15, 2016 11:20:18 »
  • GOOD NEWS Panibagong tapyas-presyo sa langis, ipatutupad January 18, 2016 13:58:22 »