• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Pagtangay sa 3 presong Chinese sa Cavite, posibleng rescue optn ng drug syndicate

    By dzmm.com.ph | 11:11 PM 02/20/2013
  • image
    "Hindi pa malinaw hanggang ngayon kung inagaw o ni-rescue ang tatlong presong Chinese habang patungo sa pagdinig ng kanilang kaso sa Trece Martires Regional Trial Court (RTC) sa Cavite."

    Hindi pa malinaw hanggang ngayon kung inagaw o ni-rescue ang tatlong presong Chinese habang patungo sa pagdinig ng kanilang kaso sa Trece Martires Regional Trial Court (RTC) sa Cavite.

    Mula sa Cavite Provincial Jail, bumiyahe patungong RTC ang mag-asawang Li Lan Yan (alyas Jackson Dy) at Wang Li Na, Li Tian Hua at isa pang presong Pinoy dakong alas-9:00 Miyerkules ng umaga.

    Nang lumabas sa sinakyang FX dakong alas-10:30 ng umaga, bigla na lamang umanong hinarang ang mga ito ng higit 20 naka-bonnet at naka-bandana na sakay ng dalawang van.

    Naitakas ng mga ito ang tatlong presong Chinese maliban sa Pinoy na iniwan paglampas ng dalawang kilometro.

    Inabandona naman ang isang getaway vehicle sa di kalayuan kung saan malaking palaisipan naman ang tama ng baril sa van gayong wala naman umanong nangyaring shootout.

    Taong 2003 nang arestuhin ang mga Chinese sa nadiskubreng shabu laboratory sa Tanza, Cavite.

    Sa panayam ng Radyo Patrol kay Police Chief Insp. Roque Merdigia, hepe ng Legal and Investigation Division ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF), sinabi nitong high-value members ng isang drug syndicate ang mga dinukot na Chinese.

    "Si Jackson Dy, siya 'yung nag-establish ng isang pagawaan ng shabu sa Tanza at Silang, Cavite. Aside from that, tatlong warehouses ang nakuha, na pag-aari rin ni Jacskson Dy sa Parañaque, Pasay at Quezon City. Lahat ay mayroong laman na mga shabu at sangkap sa paggawa ng shabu," salaysay pa nito sa modus ni Dy.

    "Malaking grupo yung Jackson Dy drug group kasi nakapag-establish na sila ng properties na ginagamit sa pagpapalaganap at pag-manufacture ng illegal drugs sa bansa."

    Dahilan dito, posibleng rescue operation ng sindikato para itakas ang mga Chinese ang nangyaring insidente.

    Iniimbestigahan na kung posibleng may security at procedural lapses sa pag-escort sa mga preso.

    'Convicted na si Dy'

    Ikinagulat din ni Merdegia na sa Cavite Provincial Jail pa rin nakakulong si Dy sa halip na sa National Bilibid Prison (NBP) gayong nahatulan na ito ng habambuhay na pagkabilanggo ng Parañaque RTC noong 2010.

    "Sa aking pagkakaalam, way back in 2010 nagdesisyon ang Parañaque RTC na i-convict nga itong tatlong ito, sa pag-iingat ng kilo-kilong shabung nasamsam sa kanilang unit sa Marina Bay Homes sa Parañaque."

    Batid naman aniya nila na may nakabinbin pang kaso ang grupo sa Trece Martires ngunit: "sa aming pagkakaalam 'yung mga akusadong na-convict na ng korte at may mga pending case sa iba't ibang jurisdiction ay dapat nagkakaroon na ng hearing sa loob ng kulungan at hindi na inilalabas pa." Reports from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37 and Maan Macapagal, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Bagyong Inday, nananatili ang lakas; Habagat, magpapaulan sa M. Manila July 30, 2014 06:07:29 »
  • METRO Motorcycle rider, naipit sa gulong ng bus sa EDSA July 29, 2014 22:00:24 »
  • ENTERTAINMENT Kris kay PNoy: Please stay alive July 29, 2014 22:19:21 »
  • SPORTS UST, nalusutan ang Adamson July 26, 2014 21:36:28 »
  • REGION 3 patay sa ambush sa Batangas July 30, 2014 06:36:37 »
  • WORLD Heatwave sa Japan, pumatay na ng 15; libo-libo, naospital July 29, 2014 22:19:58 »
  • GOOD NEWS Pinoy Math wizards, humakot ng 39 award sa South Korea July 28, 2014 10:03:00 »