• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 30°C
      Rainy
  • Nakaligtas na aide ni Robredo, lumahok sa prusisyon ng Pe├▒afrancia

    By dzmm.com.ph | 07:24 PM 09/15/2012

  • "Lumahok sa pista ng Peñafrancia sa Naga si Police Inspector Jun Paolo Abrazado, ang aide ni Interior Secretary Jesse Robredo na tanging nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano. "

    Lumahok sa pista ng Peñafrancia sa Naga si Police Inspector Jun Paolo Abrazado, ang aide ni Interior Secretary Jesse Robredo na tanging nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano.

    Gaya ng yumaong kalihim, deboto si Abrazado ng Peñafrancia.

    Bago ang prusisyon, dumaan muna sa puntod ni Robredo ang kaniyang dating aide kasama ang pamilya at dito ay taimtim na nanalangin.

    Bagama't mailap sa panayam, pumayag naman itong sundan ang kaniyang pamamanata.

    Una at huling nagkasama sina Robredo at Abrazado sa pamamanata sa imahe noong 2011.

    Ngayon, suot niya ang itim na damit na may larawan ng kaniyang dating boss.

    Samantala, napuno ang mga lansangan ng Naga para sa taunang pista.

    Sa tantiya ng mga pulis, aabot sa 2 milyong deboto ang dumalo sa prusisyon ngayong taon. Report from ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 'Queenie', inaasahang magla-landfall sa Palawan ngayong Biyernes November 27, 2014 21:22:08 »
  • METRO MMDA enforcer na kinaladkad ng luxury car sa QC, nagkwento ng karanasan November 27, 2014 19:26:00 »
  • ENTERTAINMENT Mga magulang ni Heart, 'di tiyak kung sisipot sa kasal November 27, 2014 18:28:01 »
  • SPORTS Philippine Azkals, balik sa ika-128 pwesto sa FIFA World Ranking November 27, 2014 18:21:04 »
  • PAPAL VISIT Maynila, holiday sa 4-day visit ni Pope Francis November 27, 2014 18:17:46 »
  • REGION 400 bahay, winasak ng storm surge sa Jagna, Bohol November 27, 2014 16:39:19 »
  • WORLD 2 Pinoy, maswerteng nakaharap at nakakwentuhan si Pope Francis sa Vatican November 27, 2014 19:38:31 »