• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Mga naapektuhan ni 'Sendong', naghahanda na sa bagong bagyo; red alert, itinaas sa S. Mindanao

    By dzmm.com.ph | 08:25 AM 12/02/2012

  • "Todo-paghahanda na ang mga disaster official sa mga probinsyang inaasahang tatamaan ng papasok na Bagyong Pablo."

    Todo-paghahanda na ang mga disaster official sa mga probinsyang inaasahang tatamaan ng papasok na Bagyong Pablo.

    Partikular na naghahanda ang mga lugar na nakaranas ng matinding pinsala sa Bagyong Sendong noong Disyembre 2011.

    Nagbabala naman na ang regional directors ng Office of Civil Defense (OCD) sa halos lahat ng provincial, municipal at city disaster risk reduction and management offices.

    Sa Region 11 o Southern Mindanao, itinaas na ang red alert partikular sa Davao Oriental, Davao del Sur, Davao del Norte at Compostela Valley.

    Sa Caraga Region, nagpulong na rin ang provincial disaster offices sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

    Todo ang paghahanda ng mga awtoridad dahil ayaw na anila nilang maulit ang mga nangyari noong kasagsagan ng Bagyong Sendong na marami ang namatay.

    Pero ayon kay OCD Regional Dir. Blanche Gobenciong, problemado sila sa monitoring dahil dalawang buwan nang isinasailalim sa repair ang doppler radar sa Hinatuan at sa lumang satellite sila umaasa na hindi naman anya accurate.

    Humingi na anya sila ng tulong mula sa doppler radar sa Cebu pero hindi nito masagap ang lagay ng panahon sa buong ng Caraga Region.

    Sa Region 8 naman, nakahanda na ang rescue team at rubber boats sa Biliran, Leyte at Samar Provinces.

    Pinaghahanda na ang mga apektadong residente ng damit at pagkain na tatagal ng tatlong araw.

    Samantala, naka-blue alert pa rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at itataas lamang nito ang red alert sa pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Bagyong Pablo ngayong gabi o bukas ng madaling araw. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pope Francis, bibisita sa Pilipinas sa Enero 15-19, 2015 July 29, 2014 20:20:31 »
  • METRO Bata, patay matapos masagasaan habang tumatawid sa Ortigas Ave. Ext. July 29, 2014 13:42:01 »
  • ENTERTAINMENT Kris kay PNoy: Please stay alive July 29, 2014 09:58:25 »
  • SPORTS UST, nalusutan ang Adamson July 26, 2014 21:36:28 »
  • REGION Lalaki, patay matapos makulong sa nasunog na hotel sa Olongapo July 29, 2014 19:25:33 »
  • WORLD Heatwave sa Japan, pumatay na ng 15; libo-libo, naospital July 29, 2014 16:29:19 »
  • GOOD NEWS Pinoy Math wizards, humakot ng 39 award sa South Korea July 28, 2014 10:03:00 »