• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 20°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Mga kandidato ng Maguindanao, nagsagawa ng 'People Power' rally

    By dzmm.com.ph | 07:25 PM 04/27/2013

  • "Nagsagawa ng campaign rally ang mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Maguindanao ngayong Sabado na tinawag ng mga itong "People Power.""

    Nagsagawa ng campaign rally ang mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Maguindanao ngayong Sabado na tinawag ng mga itong "People Power."

    Libo-libong mga tagasuporta ang nagtungo sa Datu Paglas Elementary School bukod pa sa mga nakiisa sa parada na ginanap sa iba't ibang bayan ng Datu Paglas.

    Kinakalaban ngayon ni Sultan Kudarat Mayor Tucao Mastura ang kasalukuyang gobernador ng Maguindanao na si Toto Mangudadatu.

    Si Mastura ay kandidato ng PDP-Laban na nasa ilalim ng UNA habang si Mangudadatu naman ang pambato ng Liberal Party (LP).

    Ka-tandem ni Mastura si Ali Midtimbang na siyang biyenan ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na siyang itinuturong suspek sa Maguindanao massacre.

    Dumalo rin sa naturang rally ang mga miyembro ng pamilya Ampatuan na tumatakbo sa midterm elections.

    Ginamit ng mga UNA candidate ang "Tuwid na Daan" ni Pangulong Noynoy Aquino sa pangangampanya.

    Nagpaulan din ang mga ito ng confetti gaya ng nangyari sa People Power sa EDSA. Report from Lore Mae Endong, ABS-CBN News Central Mindanao





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Babaeng may bitbit na baril, nakapasok sa Malakanyang August 22, 2014 18:48:42 »
  • METRO Eroplano, sumadsad sa NAIA runway August 22, 2014 21:43:52 »
  • ENTERTAINMENT Lea Salonga, nakiisa sa ALS Ice Bucket Challenge; Aga Muhlach, 'The Voice' coaches, hinamon August 22, 2014 18:21:51 »
  • SPORTS Gilas players, sumabak sa ice bucket challenge August 22, 2014 17:55:02 »
  • REGION Cessna plane, bumagsak sa Calatagan, Batangas August 22, 2014 20:26:09 »
  • WORLD Pinoy seaman sa Togo, sinusuri sa posibleng Ebola virus August 22, 2014 18:30:40 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »