- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
"Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng tent city sa Calaanan Relocation Site sa Cagayan de Oro City kaninang madaling araw."Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng tent city sa Calaanan Relocation Site sa Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Jesus Noel Buenvenida, 44-anyos na may isang anak at hiwalay sa asawa.
Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang lubid.
Ayon sa mga kaanak, dalawang araw nang iba ang pakiramdam ni Buenvenida.
Nagigising umano ito sa hatinggabi at nagyayayang lumikas dahil may baha at madadaganan sila ng malalaking troso.
Naging matatakutin na rin umano ito at nagsasabing may nakikita siyang kakaiba sa labas ng kanilang tent.
Sabi ng kapatid ng biktima na si Edelyn, labis na ikinalungkot ng kaniyang kapatid ang pagkawasak ng kanilang bahay dahil sa bahang dulot ng Bagyong Sendong.
Matatandaang noong nakaraang buwan, isang lalaki din ang nagpakamatay sa isang evacuation center sa lungsod matapos umanong hindi mabigyan ng matitirhan kahit sa tent city.
Hindi pa nasimulan ang otopsiya kay Buenvenida pero sa paunang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay walang palatandaang may foul play sa nangyari. Report from Fred Dellava, Cagayan de Oro Correspondent -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »