• PANAHON
    Manila, 36°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Isang pamilya, minasaker at ipinasok sa septic tank sa CDO

    By dzmm.com.ph | 09:38 PM 11/14/2012

  • "Apat na bangkay ng magkakapamilya na biktima ng massacre ang natagpuan sa loob ng isang septic tank sa Cagayan de Oro City. "

    Apat na bangkay ng magkakapamilya na biktima ng massacre ang natagpuan sa loob ng isang septic tank sa Cagayan de Oro City.

    Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, putol-putol ang mga pinagtatagang katawan ng mga biktima na pilit ipinasok sa septic tank.

    Kinilala ang mga biktima na mag-asawang sina Christopher at Lea Lastimosa at kanilang mga menor de edad na anak na sina Christian at Atanley.

    Hinihinala ng pulisya na may apat na araw nang patay ang mga biktima bago ito natagpuan kaninang tanghali sa Barangay Kalituan.

    Nagtaka ang mga kaanak ng mga biktima dahil hindi na nakapasok ng eskwela ang mga bata kaya nagtungo sila sa bahay ng mga ito sa GSIS village at doon nadiskubre ang naganap na krimen.

    Naabutan din ng mga kaanak ang suspek na si Arman Abuyin, kaibigan ni Christopher at pansamantalang naninirahan sa bahay ng mga biktima.

    Narekober sa kanya ang itak at kutsilyong ginamit sa pagpatay.

    Agad nagpatawag ng pulis ang mga kaanak at hinuli ang suspek.

    Hinala ng mga awtoridad, lango sa droga itong suspek na si abuyin na nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis. Report from Fred Dellava, DZMM Correspondent





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Janet Napoles, tinanggalan ng matris at ovaries April 23, 2014 16:41:01 »
  • METRO Mga pulis at raliyista, nagkapukpukan, tulakan sa may US Embassy April 23, 2014 14:20:23 »
  • ENTERTAINMENT Kris Aquino, isinugod sa ospital dahil sa matinding init April 23, 2014 08:53:34 »
  • SPORTS Donaire, target masungkit ang ika-4 na titulo sa laban vs S. African Vetyeka April 22, 2014 21:25:58 »
  • REGION Bragais Liner na naaksidente sa CamSur, isususpinde ng LTFRB April 23, 2014 14:18:57 »
  • WORLD Mga namatay sa Saudi dahil sa MERS CoV, umabot na sa 81 April 22, 2014 21:25:27 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »