- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
Isabela, matinding hinagupit ni Quiel
By Dexter Ganibe, Radyo Patrol and Julius Camba, Isab | 16:55 PM 10/01/2011 -
-
"Matindi ang naging hagupit ng hangin at malakas na ulan na dala ng Bagyong Quiel sa Isabela."Matindi ang naging hagupit ng hangin at malakas na ulan na dala ng Bagyong Quiel sa Isabela.
Sa bayan ng Alicia, nawasak ang mga tindahan sa palengke at nilipad ng malakas na hangin ang mga bubong ng mga bahay.
Maraming puno ang itinumba ng Bagyong Quiel sa mga bayan ng Jones at Echague na nakahambalang sa mga kalsada.
Nawasak din ng hangin at ulan ang Pangal Norte Elementary School sa Barangay Pangal sa bayan ng Echague.
Natuklap ang mga bubong sa advance command post ng Philippine Army sa bayan ng Jones.
Barado ang ilang kalsada sa Cauayan City at Echague, matapos magbagsakan ang mga puno at poste ng kuryente.
May 228 pamilya na ang inilikas mula sa mga bayan ng Maconacon at Palanan. Habang 29 na iba pa ang na-evacuate sa Cauayan City bunsod ng pagtaas ng antas ng tubig sa Cagayan River.
Putol ang suplay ng kuryente at linya ng telepono sa buong lalawigan, habang pahirapan din ang signal ng mga telecommunication company.
Samantala, ililipat sa isang saradong gymnasium ang mga evacuee sa Quirino province.
Ayon kay Quirino Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Head Jun Pagbilao, ang mga lumikas sa kapitolyo ng Quirino maging sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) doon ay dadalhin na lamang sa kalapit na gym dahil mas malawak ito at mas secured mula sa malakas na hangin.
Tiniyak naman ni Quirino Governor Junie Cua na nakahanda sila sa anumang epekto ni Bagyong Quiel dahil sanay na sanay na sila sa mga bagyong gaya nito.
-
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »