- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
Ilang sektor sa Iligan, nagprotesta dahil sa hindi patas na pamamahagi ng tulong sa Sendong victims
By dzmm.com.ph | 14:00 PM 01/27/2012 -
-
"Nagmartsa bilang protesta ang ilang sektor sa Iligan City dahil sa hindi patas na pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Sendong. "Nagmartsa bilang protesta ang ilang sektor sa Iligan City dahil sa hindi patas na pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Sendong.
Ayon sa isang nakaligtas sa baha, wala silang natatangap na tulong mula sa gobyerno at puro lamang galing sa mga non-government organization (NGO).
Namahagi rin sila ng flyers kung saan nakasulat ang mga tanong kung sino ang dapat managot sa pagkamatay ng maraming residente, kung saan napunta ang calamity fund, relokasyon at paraan ng pamamahagi ng relief goods.
Nanawagan din sila na itigil na ang illegal logging, mining at quarrying sa lungsod.
Depensa ni Mayor Lawrence Cruz ginawa naman nila ang lahat upang matulungan ang mga nakaligtas ng Bagyong Sendong.
Hinala ng alkalde, may bahid pulitika ang nangyaring protesta.
Sa ginanap na solidarity march sumama si Mayor Cruz pero hindi siya pinansin ng mga nagprotesta.
Gusto sana ng alkalde na ipaliwanag sa kanila at sagutin ang kanilang mga reklamo. Report from Ronnie Enderes, ABS-CBN News -
SINO BA ANG DAPAT MANAGOT SA MGA NAMATAY? PAG USIG SA MGA ILLEGAL LOGGERS, SAPAT NA BA? PAANO SILA? ANO BA TALAGA? PAGHAHABOL O PAGTATAGO? Madaling ituro ang pagkakalbo ng kagubatan na siyang dahilan ng pagkamatay ng ating mga kababayan sa CDO at Iligan City. Ito ang larawang madaling makita. Larawan ng nakakalbong gubat, mga nagkalat ng troso at mga sabi-sabi ng mga taong nais ilihis ang isyu na magpapahamak sa kanila. Ayon sa siyensya, totoong nagbabago ang panahon ng dahil sa tinatawag na "Global Warming" na isa sa mga dahilan ay ang pagtotroso rin. Subalit, ito ay isa sa mga dahilan lamang. Ang mga usok na ibinubuga ng mga pabrika, ang mga Pagpatag ng kabundukan para sa isang inspratraktura at iba pang mga bagay na sumabay sa pag unlad ng mundo. Dahil dito ay umabot nga sa punto na nagkaroon ng ibang direksyon ang bagyo. Gayunpaman, sinasabi rin ng mga eksperto na kahit marami pang puno, o sabihin na nating walang pagtotroso na naganap sa kabundukan ng mindanao ay hindi pa rin kayang pigilan ng mga puno ang pagbulusok ng ganon karaming tubig na dala ng bagyong sendong. Samakatuwid, ang mga araw na iyon ay lubha talagang mapanganib para doon sa mga taong nakatira sa sinalantang lugar. Sino ba ang dapat managot sa maraming nalagas na buhay sa mindanao? August 23, 2010, naglabas ng pinakabagong at mas komprehensibong Mapa ang Climate Change Congress of the Phil. (CCCP) na nagsasaad ng mga lugar na delikado sa baha. Bago paman ito, pinagsabihan na ang mga Opisyal tungkol dito subalit binalewala ito kaya hindi alam ng mga residente ang totoong kalagayan nila. Ipinaalam ng CCCP sa Aquino administration ng tatlong beses ang tungkol sa Mapa na ito subalit hindi pa rin ito nabigyan ng pansin. December 15, 2011, dalawang araw bago nagwala si sendong ay ipinaalam na ng Tropical Rainfall Measuring Mission (TRMM) kung gaano kalakas ang dalang ulan nito (50mm/hr) subalit inilathala ng PAGASA na mahina lang ito (10-25mm/hr). Kumakailan lang ay inamin ng malacanang na hindi nila napansin masyado ang bagyong sendong dahil abala sila sa tinatawag nilang "clearing of the landmines" na ibig sabihin ay pagtanggal ng mga corrupt na may katungkulan. halimbawa nito ay hakbang na pagtanggal kay Corona. Ang paGturo na ang illegal logging ang dahilan, kasama na rin ang paghikayat sa mga tao, kasama na ang mga biktima para mag rally, ay isang panglilinlang at paglihis sa talagang isyu kung bakit marami ang namatay. Maliwanag na ang Sendong ay sadyang magdadala ng baha na hindi kayang pigilan ng mga puno. Ang iwasan ang maraming mamamatay ay sa paraan lamang ng paglikas sa mga lugar na iyon. Ang hindi pagbigay ng tamang impormasyon ng mga opisyales, mahigit isang taon bago ang pangyayari (Liban pa doon sa unang mapa, tatlong taon ang nagdaan), ang maling impormasyong binigay ng PAGASA at pagbabalewala ng malakanyang dahil sa Impeachment case na yan ay NAGBUBUNGA NG KAMATAYAN NG 1400 TAO. PANAGUTIN ANG DAPAT MANAGOT!!!
Nung pumunta si P-Noy sa Iligan City nuong ika-25 nga buwang ito, meron mga Biktima ng Sendong na nag-rarally para iparinig ang kanilang mga hinaing sa Pangulo, katulad ng hindi maipaliwanag na nawala o hindi ginastos na Calamity Fund ng Lungsod..... Isang lider ng mga raliyista na si Dr. Charles Marquez ay ininterbyu nga inyong kawani na si Ronnie Enderes....kay inasahahan at inabangan ng taong bayan ang pag-ere ng ABS-CBN Northern Mindanao.Ngunit hanggang sa mga sandaling ito, walang kahit katiting porsyon lang ng rally o ng interbyu ang ipinalabas ng ABS-CBN.....Malakas ang ugong ng usap-usapan na ang inyong mga kawani ng ABS-CBN sa Northern Mindanao ay ginagamit, nagpagamit, at nabayaran ng mga politiko sa lugar, lalo na ni Meyor Cruz ng Iligan! Sana hindi tutuo...
HINDI GINAWA NI MAYOR ANG PAG TULONG YUN ANG TOTOO!! ANG MGA SURVIVOR GUSTO NA NG MAG WALA DAHIL SA GUTOM PERO SI MAYOR ANG MGA DONASYUN KINORAKOT AT YUN ANG TOTOO!
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »