• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Ika-100 araw ng kamatayan ni Robredo, ginugunita sa Naga City

    By dzmm.com.ph | 12:53 PM 11/26/2012
  • image
    "Ginugunita ngayon ng mga taga-Naga City ang ika-100 araw ng pagkamatay ni dating Interior Secretary Jesse Robredo."

    Ginugunita ngayon ng mga taga-Naga City ang ika-100 araw ng pagkamatay ni dating Interior Secretary Jesse Robredo.

    Iba't ibang programa ang inihanda ng lokal na pamahalaan ng Naga para alalahanin ang pinakamamahal nilang dating mayor.

    Alas-9:00 ng umaga kanina isinagawa ang misa sa Barangay Taboco, ang barangay kung saan lumaki si Robredo.

    Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Pamilya Robredo maging ng city at barangay officials.

    Pinangunahan naman ni Butch Robredo, ang ribbon cutting ng memorabilla exhibit para sa kanyang kapatid na ginanap sa Secretary Jesse Robredo Colliseum.

    Ayon kay Naga City Mayor John Bongat, tatagal ang memorabilla exhbit hanggang sa Disyembre 2.

    Ayon pa kay Bongat, mamayang alas-5:00 ng hapon ay mag-ma-martsa ang city officials at city employees, mga barangay official at mga miyembro ng Pamilya Robredo mula sa city hall patungo sa Eternal Gardens kung saan nakahimlay ang mga abo ng kalihim.

    Magkakaroon naman ng mini-concert na tatampukan naman ng mga local artist.

    Ayon pa sa alkalde, bumuo na rin siya ng isang komite na mangngasiwa sa pagpapatayo ng monumento at museum ni Robredo sa Naga City Exhbit Center. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42






  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Partial report sa pagbili ng bakuna ng DOH, hawak na ni De Lima November 24, 2014 21:20:08 »
  • METRO Abandonadong tool case, nagdulot ng bomb scare sa Makati November 24, 2014 13:51:04 »
  • ENTERTAINMENT Aiza Seguerra at Liza Dino, ikakasal na sa Dec 8 November 24, 2014 21:40:55 »
  • SPORTS Pacman, balik-bansa na mula Macau November 24, 2014 21:08:55 »
  • PAPAL VISIT Pagiging 'Pope of Surprises' ng Santo Papa, hamon sa pulisya November 24, 2014 17:56:20 »
  • REGION Dalagita dinukot, ginahasa bago sinunog sa Bataan November 24, 2014 22:13:04 »
  • WORLD Bus, nahulog sa ilog sa Nepal; 47 patay November 24, 2014 16:44:03 »