• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Food retailer outlets ng DA sa Negros Oriental, unti-unti nang inaalis

    By dzmm.com.ph | 08:06 AM 02/22/2012

  • "Unti-unti nang inaalis ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang mga food retailer outlet sa Negros Oriental."

    Unti-unti nang inaalis ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang mga food retailer outlet sa Negros Oriental.

    Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, bumabalik na sa normal ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin doon.

    Layon ng mga nasabing food retailer outlet na makapagbenta ng mga pangunahing bilihin sa murang halaga.

    Ngayong linggo, aalisin na ang food caravan sa Tayasan, Jimalalud, Ayungon at La Libertad, habang sa susunod na linggo naman ay sa Guihulungan City, na siyang pinakamatinding nasalanta ng lindol.

    Nauna rito, P5 milyong seed fund ang inilaan ng ahensya para magbigay ng ayuda sa mga retailer ng Central Visayas. Report from Zhander Cayabyab, Radyo Patrol



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »