• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly rainy
    • Baguio, 22°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Bahay ng Pangasinan mayor, hinagisan ng granada

    By dzmm.com.ph | 09:46 PM 05/05/2013
  • image
    "Isang hand grenade ang umano'y inihagis sa bahay ni Mayor Amadeo Gregorio "Bobom" Perez IV ng Urdaneta City, Pangasinan, Sabado ng madaling araw."

    Isang hand grenade ang umano'y inihagis sa bahay ni Mayor Amadeo Gregorio "Bobom" Perez IV ng Urdaneta City, Pangasinan, Sabado ng madaling araw.

    Sa inisyal na imbestigasyon, inakala ng security personnel ng alkalde na may aksidente sa harap ng bahay pasado alas-3:00 ng madaling araw kung kailan nakarinig siya ng tunog ng isang bagay na tumama sa lugar.

    Wala namang naganap na pagsabog at wala rin itong nakitang kakaiba.

    Pero pasado alas-6:00 ng umaga, isang granada ang nakita ng kasambahay ng alkalde sa harap ng pinto ng bahay.

    Dito na sila tumawag ng awtoridad at mga eksperto.

    Ayon sa mga pulis, posibleng pananakot at walang intensyong manakit ang naghagis ng depektibong granada.

    Walang katunggali si Perez sa Urdaneta pero sinisilip pa rin ng Commission on Elections (Comelec) kung politically motivated ang insidente.

    Iniimbestigahan din ngayon kung may kinalaman ito sa pagsabog ng granada sa bahay ng alkalde ng Bugallon sa pagdalaw ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang araw bago ang insidente.

    Tumanggi namang magsalita si Perez na noo'y nagdiriwang ng kaarawan. Report from ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Approval at trust ratings nina PNoy at Binay, bumaba - Pulse Asia August 01, 2014 13:43:34 »
  • METRO 2 patay, higit 20 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa pader ng gasolinahan sa Antipolo August 01, 2014 11:57:13 »
  • ENTERTAINMENT Darren, mananatili na sa PH matapos ang 'The Voice Kids' July 31, 2014 15:26:10 »
  • SPORTS Pacquiao, planong magretiro sa 2016; posibleng tumakbong senador July 31, 2014 21:27:52 »
  • REGION 1 patay, 1 sugatan sa engkwentro ng NPA at militar sa Negros Occ August 01, 2014 10:26:39 »
  • WORLD 22 patay, higit 200 sugatan sa gas explosions sa Taiwan August 01, 2014 11:40:53 »
  • GOOD NEWS Iriga City Singing Ambassadors, humakot ng medalya sa World Choir Games August 01, 2014 12:40:05 »