• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Armory sa Camp Tambler sa Gensan, nasunog

    By dzmm.com.ph | 12:16 PM 02/22/2012

  • "Nasunog ang headquarters ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa Camp Tambler, General Santos City Miyerkules ng tanghali."

    Nasunog ang headquarters ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa Camp Tambler, General Santos City Miyerkules ng tanghali.

    Nahirapang makapasok ang mga bumbero sa nasusunog na headquarters dahil sa nagpuputukang mga bala, granada, bomba at iba pangarmas na nasa loob ng armory.

    Pinalayo naman ang mga tao at media habang sinisikap bombahan ng tubig ang apoy.

    Ayon sa mga pulis, nakarinig sila ng malakas na pagsabog na nasundan ng pagsiklab ng apoy.

    Pasado alas-2:00 na ng hapon nang maapula ang apoy pero hindi pa mapasok ng mga bumbero ang nasunog na armory.

    Inaalam pa ang dahilan ng sunog pero hinihinalang faulty electrical wiring ang sanhi nito. Report from Jay Dayupay, DZMM Correspondent



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »