• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Air strike vs MNLF-Misuari faction, inilunsad

    By dzmm.com.ph | 10:20 PM 09/16/2013
  • image
    "Naglunsad ng air strike ang tropa ng gobyerno laban sa mga nalalabing Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City."

    Naglunsad ng air strike ang tropa ng gobyerno laban sa mga nalalabing Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

    Sa pagpasok sa ika-walong araw ng patuloy na standoff, namaril mula sa itaas ang mga helicopter ng Philippine Air Force laban sa mga MNLF na nasa ibaba.

    Hindi pa naman malinaw sa ngayon ang mga detalye sa lokasyon ng bakbakan bagama't nakikitang palipad-lipad ang mga chopper.

    Una nang kinumpirma ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP na tumindi ngayong araw ang bakbakan mula nang maglunsad sila ng opensiba noog Biyernes.

    Sa huling tala, umaabot na sa 120 MNLF ang nasawi, nasugatan at sumuko sa tinatakbo ng standoff.

    Sinasabing umuurong na ang grupo ng mga nalalabing rebelde pabalik sa baybayin ng mga coastal areas ng Sta. Barbara matapos ang patuloy na pakikipaggirian sa mga tropa ng gobyerno.

    Tumanggi naman itong pangalanan ang lokasyon ng bakbakan para hindi maapektuhan ang patuloy na operasyon.

    Kaliwa't kanang putukan ang gumigimbal sa lugar kung saan maging ang Masjid Mosque ay napaulanan ng bala.

    May mga tangke na ring nagkalat sa lugar.

    Naghahanda na rin umano sa shoreline ang mga awtoridad para makuntina ang mga rebelde. Reports from Jorge CariƱo, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 6 lugar, signal no. 2 dahil kay 'Mario' September 19, 2014 19:46:04 »
  • METRO Tren at istasyon ng MRT, binaha September 19, 2014 18:52:12 »
  • ENTERTAINMENT 'Be Careful with My Heart' actor Marlo Mortel, naistranded dahil sa baha September 19, 2014 13:15:23 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, pinarangalan sa Kamara September 18, 2014 19:14:57 »
  • PAPAL VISIT 5 Bohol quake survivors, posibleng makasalo sa tanghalian ng Santo Papa September 17, 2014 12:57:56 »
  • REGION Tulay sa CamNorte, nawasak ng baha September 19, 2014 17:06:18 »
  • WORLD Guam, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol September 17, 2014 18:30:49 »