• PANAHON
    Manila, 30°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Partly cloudy
  • 2 patay, 1 sugatan sa engkwentro sa Cavite

    By dzmm.com.ph | 08:17 PM 07/27/2013

  • "Dead on arrival sa Las Piñas Hospital ang tinutugis na tulak ng ilegal na droga matapos makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis sa Maliksi III sa Bacoor, Cavite."

    Dead on arrival sa Las Piñas Hospital ang tinutugis na tulak ng ilegal na droga matapos makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis sa Maliksi III sa Bacoor, Cavite.

    Patay rin ang isa sa mga naka-engkwentro nitong pulis na kinilalang si PO2 Aries Lacheca na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo.

    Ayon kay Sr. Police Supt. Alexander Rafael, Provincial Director ng Cavite PNP, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang dalawang pulis laban kay John John Hernale nang manlaban ito at makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

    Sugatan naman ang isa pang pulis na kinilalang si PO1 Jorex Gutibman sa isinagawa operasyon.

    Tinutugis pa rin ang nakatakas na kasamahan ng suspek. Report from Dastas, DZMM Correspondent





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Nasawing PNP-SAF members, binigyan ng arrival honors sa Villamor Airbase January 29, 2015 11:55:54 »
  • METRO 8 arestado sa CIDG ops sa QC; ilang armas, droga, nasamsam January 29, 2015 11:36:52 »
  • ENTERTAINMENT MJ Lastimosa, balik-bansa matapos sumabak sa Miss Universe January 29, 2015 06:23:44 »
  • SPORTS Mayweather, bumisita sa tinutuluyang hotel ni Pacquiao January 28, 2015 21:36:50 »
  • PAPAL VISIT Alamin ang mga Pinoy food na inihanda kay Pope Francis sa flight pa-Roma January 22, 2015 21:14:25 »
  • REGION Tacloban Airport, binulabog ng bomb threat January 28, 2015 22:13:25 »
  • WORLD Mga Pinoy sa Amerika na apektado ng winter storm, ligtas January 28, 2015 21:48:20 »