• 1 patay, 13 sugatan sa aksidente ng van sa Dingalan, Aurora

    By dzmm.com.ph | 07:52 AM 04/30/2013
  • image
    "Isa ang patay habang 13 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang van sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora."

    Isa ang patay habang 13 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang van sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora.

    Kinilala ang namatay na biktima na si Ormantan Rocena, 33-anyos na taga Palayan City, Nueva Ecija.

    Base sa imbestigasyon, patungo sana sa isang kasalan ang mga biktima nang mawalan ng preno ang pulang van na kanilang sinasakyan habang palusong sa matarik na daan.

    Galit naman ang kaanak ng mga biktima dahil halos isa't kalahating oras na ay wala pa ring ambulansya o patrol ng pulis na magdadala sa kanila sa ospital.

    Swerteng dumating ang iba pa nilang mga kaanak mula sa Palayan City na sakay ng trak kaya nadala ang mga sugatan sa pagamutan sa Cabanatuan City.

    Ayon sa isang biktima, wala sanang namatay sa aksidente kung naisugod kaagad sila sa ospital. Report from Cris Pascual, DZMM Correspondent





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ikaw Na Ba: Panayam kay Chiz Escudero (Ikalawang Bahagi) February 06, 2016 16:59:48 »
  • METRO Peace caravan sa pagpasa ng BBL, umarangkada na January 19, 2016 11:50:55 »
  • ENTERTAINMENT Erik Matti, balak magpa-audition sa gaganap na ‘Darna’ January 16, 2016 16:09:00 »
  • SPORTS Dos Mil Kinse: Balitang palakasan December 31, 2015 00:21:54 »
  • REGION 2 pang nasawi sa Tagaytay car crash, kilala na January 19, 2016 12:25:47 »
  • WORLD 7 patay sa Indonesia attack; atake, inako ng ISIS January 15, 2016 11:20:18 »
  • GOOD NEWS Panibagong tapyas-presyo sa langis, ipatutupad January 18, 2016 13:58:22 »