• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 30°C
      Rainy
  • 16 patay, 24 sugatan sa engkwentro ng Abu Sayyaf at militar sa Sulu

    By dzmm.com.ph | 11:55 AM 05/26/2013
  • image
    "Pumalo na sa 16 ang bilang ng nasawi sa nangyaring bakbakan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Tagas sa Patikul, Sulu, Sabado ng umaga."

    Pumalo na sa 16 ang bilang ng nasawi sa nangyaring bakbakan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Tagas sa Patikul, Sulu, Sabado ng umaga.

    Ayon kay WESMINCOM spokesperson Col. Rodrigo Gregorio, mula sa bilang na pito, siyam na ang patay sa panig ng ASG.

    Sa kabuuan, 16 na ang bilang ng nalagas na buhay sa engkwentro na nagsimula alas-7:00 Sabado ng umaga.

    24 naman ang sugatan sa barilan.

    Nakatakdanag magbigay ng military honors mamayang gabi ang WESMINCOM para sa mga nasawing tauhan sa Edwin Andrews Airbase.

    Nakatakdang dalhin muna sa Maynila ang mga labi bago iuwi sa kani-kanilang probinsya.

    Matatandaang naganap ang engkwentro habang nagsasagawa ng operasyon ang Philippine Marines kahapon ng umaga para hanapin ang kinalalagyan ng asawa ng kanilang kasamahan na dinukot ng ebeldeng grupo. Report from Jewel Reyes, DZMM Correspondent





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Southern Visayas, binabagtas ni 'Queenie;' 20 lugar, signal no. 1 November 27, 2014 06:44:47 »
  • METRO 3 holdaper ng taxi, patay sa engkwentro sa Quezon City November 27, 2014 06:57:21 »
  • ENTERTAINMENT DZMM, Radio Station of the Year ng PMAP sa ika-4 na sunod na taon November 25, 2014 17:57:08 »
  • SPORTS Andy Murray at iba pang tennis stars, patungo nang Pilipinas November 26, 2014 21:49:28 »
  • PAPAL VISIT Paghahanda para sa Papal visit, nasa 80% na November 26, 2014 21:55:54 »
  • REGION Klase sa Southern Cebu, suspendido dahil kay 'Queenie' November 26, 2014 13:01:27 »
  • WORLD 500 Pinoy nurse at med tech, kailangan sa bubuksang ospital sa Qatar November 26, 2014 20:00:01 »