• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Utang ng Pilipinas, umakyat na sa P5.075T

    By dzmm.com.ph | 01:00 PM 06/09/2012

  • "Umakyat na sa P5.075 trilyon ang utang ng Pilipinas, mas mataas ng P363.32 bilyon kumpara sa naitala sa parehong panahon noong Abril ng nakaraang taon ayon sa Bureau of the Treasury (BTr)."

    Umakyat na sa P5.075 trilyon ang utang ng Pilipinas, mas mataas ng P363.32 bilyon kumpara sa naitala sa parehong panahon noong Abril ng nakaraang taon ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

    Bunga ito ng pagtaas sa domestic and foreign debt bunsod ng patuloy na paghiram ng gobyerno upang punan ang kakulangan sa badyet.

    Kung tatantyahin, tinatayang nagkakautang ang bawat isa sa 94 na milyong Pilipino ng P53,989.

    Base sa datos, tumaas ang domestic debt sa P3.018 trilyon ngayong end-April mula sa P2.685 trilyon noong nakaraang taon.

    Gayundin ang bahagyang paglobo ng foreign debt mula sa P2.026 trilyon noong end-April 2011 sa P2.056 trilyon ngayong taon.

    Samantala, bumaba naman ng P17.46 bilyon ang foreign debt ng bansa ngayong buwan kumpra noong nakaraang buwan bunsod na rin ng lumalakas na piso kontra dolyar.

    Umaasa naman ang aquino administration na matatapyasan ang budget deficit ng bansa base na rin sa positibong projection ng gross domestic product (GDP) sa taong 2013 mula sa 2.6 percent ngayong taon. Report from ABS-CBN News.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 9 na lugar sa N. Luzon, nasa storm signals pa rin dahil kay 'Mario' September 20, 2014 13:46:49 »
  • METRO 2 patay sa hagupit ng Bagyong Mario sa Marikina September 20, 2014 10:20:14 »
  • ENTERTAINMENT Ina ni Cherry Pie Picache, patay sa pananaksak sa sariling bahay September 19, 2014 23:33:47 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, pinarangalan sa Kamara September 18, 2014 19:14:57 »
  • PAPAL VISIT 5 Bohol quake survivors, posibleng makasalo sa tanghalian ng Santo Papa September 17, 2014 12:57:56 »
  • REGION Magat Dam, magpapakawala ng tubig September 20, 2014 13:44:24 »
  • WORLD Guam, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol September 17, 2014 18:30:49 »