• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 29°C
      Partly cloudy
  • Sen. Sotto, astang walang kinikilalang batas: US blogger

    By dzmm.com.ph | 03:00 PM 08/18/2012

  • "Tinawag ng US blogger na si Sarah Pope si Senador Tito Sotto na tila walang kinikilalang batas na umaaktong lgtas sa anumang kaparusahan kahit nagsagawa ng plagiarism."

    Tinawag ng US blogger na si Sarah Pope si Senador Tito Sotto na tila walang kinikilalang batas na umaaktong ligtas sa anumang kaparusahan kahit nagsagawa ng plagiarism.

    Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC), pinaalalahanan ni Pope ang senador ukol sa Copyright Law matapos eksaktong kopyahin ng staff nito ang kaniyang blog nang walang permiso at ginamit sa talumpati sa Senado kontra sa Reproductive Health (RH) Bill.

    "He is acting as though he's above the law, that he is above copyright law, that he can do whatever he wants, he can step on whoever he wants, to get his agenda through the Philippine legislature," ani pa ni Pope.

    Dahil sa naging aksyon nito, may mensahe ang blogger sa sambayanang Pilipino.

    "That's just wrong, that's very poor behavior. I hope the Filipino people great note of this behavior and subsequent denial on his bad behavior on the part of Senator Sotto. Think about this when they go to the election booths when he's up for reelection," sabi ni Pope.

    Inaakusahan ni Pope si Sotto nang pagmamanipula umano ng mensahe ng kanyang blog para magamit kontra sa kababaihan ng Pilipinas.

    Ipinagtanggol din nito ang copyright ng kanyang mga gawa at iba pang mga nilalaman ng web.

    "If you go to my blog, there's a copyright notice there. That's very clear. While a blog is meant to be shared, it's meant to be shared with proper credit given to those that do the work to get that great information out there,"

    Ipinagtanggol naman noong Biyernes ni Atty. Hector Villacorta, chief of staff ni Sotto ang kanilag ginawa at sinabing hindi ito maaaring kasuhan dahil isa aniyang public domain ang internet at hindi saklaw ng copyright rules ang mga opisyal ng gobyerno bukod pa sa parliamentary immunity nito.

    Bagay na binanatan din ng Amerikanong blogger.

    "[Sotto's] behavior following the incident has been even worse. By denying and trying to hide behind his government immunity, which should be an embarassment to himself."

    Kung nanghingi lang aniya ng patawad ang senador at binigyang kredito ang kanyang blog ay hindi na sana humantong sa ganito ang sitwasyon.

    "You know what, if he had just said he was sorry and said he was wrong and that it was a mistake and that he should have given proper credit to my blog then we wouldn't even be talking right now," dagdag pa ni Pope.

    Matutuldukan aniya ang usapin sa pamamagitan ng isang liham mula kay Sotto na naglalaman ng pag-amin nito sa ginawang plagiarism.

    "Absolutely, absolutely. If he would send me a sincere, not the ridiculous insulting rude comment that his chief of staff posted on my blog yesterday, which should be an embarassment to his office, if he, Senator Sotto writes a sincere letter of apology saying 'this was a mistake, we apologize,' I would post that on my blog," sabi pa ng US blogger. Report from ABS-CBNnews.com





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Cardinal Tagle, nanguna sa Washing of the Feet sa Manila Cathedral April 18, 2014 04:19:05 »
  • METRO Aminin ang pagkakamali, hamon ni Deniece kay Vhong ngayong Holy Week April 16, 2014 20:11:09 »
  • ENTERTAINMENT Mga kapatid ni Paul Walker, gaganap sa 'Fast 7' April 16, 2014 09:59:11 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION 5 patay, 15 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa CamSur April 16, 2014 21:20:34 »
  • WORLD Death toll sa paglubog ng ferry sa South Korea, 18 na April 18, 2014 03:44:35 »
  • GOOD NEWS 29 taong paghahanap ng Fil-Am sa Pinoy na ama, natuldukan dahil sa DZMM April 14, 2014 21:51:10 »