• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Sec. Alcala, kumpiyansang maaabswelto sa plunder case

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 07:29 AM 10/03/2013
  • image
    "Kumpiyansa si Agriculture Secretary Proceso Alcala na maaabswelto siya sa kasong plunder na isinampa ng mga militante."

    Kumpiyansa si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na maaabswelto siya at kanyang mga kasamahan sa kasong plunder na isinampa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

    Sa panayam ng DZMM, sinabi ng kalihim na bagama't hindi pa niya natatanggap ang kopya ng kaso ay tiwala siyang maipapaliwanag nila ang pagkakasangkot ng kagawaran sa isyu ng pork barrel.

    "Ako naman po ay mataas ang pananaw na kaya po itong sagutin ng aking departamento."

    Agad anya nilang ihahanda ang mga dokumento na makapagpapatunay na hindi sila kasabwat sa sinasabing P10 bilyong scam ng mga pekeng organisasyon ni Janet Lim-Napoles.

    Kaugnay naman anya ng Malampaya fund na basehan din ng militanteng grupo sa kaso, hindi anya ito sa ilalim ng kanyang administrasyon.

    Miyerkules, kinasuhan ng plunder si Alcala, kasama sina Pangulong Noynoy Aquino, Budget Sec. Butch Abad at magkapatid na Napoles at Reynald Lim.

    Dawit din sina DA Undersecretary Antonio Fleta, DA Office of the Secretary Head Executive Assistant Arnulfo Mañalac, DA Assistant Secretaries Salvador Salacup at Ophelia Agawin; DA Internal Audit Service Director Irene Alogoc at Budget Undersecretary Mario Relampagos.

    Kasama sa kaso maging ang whistleblower na si Merlina Suñas at ilan pang hindi pinangalanan o "John Does". Photo from Malacañang 





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Paglilipat sa NBP, ipinamamadali November 22, 2014 20:57:53 »
  • METRO Naka-motorsiklong traffic enforcer, nagulungan ng trak sa QC November 22, 2014 21:11:51 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 22, 2014 10:56:50 »
  • SPORTS PH Azkals, tinambakan ang Laos sa Suzuki Cup November 22, 2014 17:00:26 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 4-taong gulang na paslit, ginilitan ng lolo November 22, 2014 21:05:47 »
  • WORLD Manikang pangontra kay Barbie, ibinibenta sa US November 22, 2014 14:47:35 »