- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
San Beda, kinondena ang pagkamatay ng law student dahil sa hazing; mga estudyante, nagluksa
By dzmm.com.ph | 22:06 PM 02/22/2012 -
-
"Dumagsa ang daan-daang mga estudyante ng San Beda College para ipagluksa at kondenahin ang pagkamatay ng isang law student na pinaniniwalaang namatay dahil sa hazing. "Dumagsa ang daan-daang mga estudyante ng San Beda College para ipagluksa at kondenahin ang pagkamatay ng isang law student na pinaniniwalaang namatay dahil sa hazing.
Ayon sa pamunuan ng San Beda College, hindi nila kinikilala ang Lambda Rho Beta Fraternity na sinasabing nasa likod ng hazing na nagbunsod sa pagkasawi kay Marvin Reglos.
Sa katunayan anila, walang anumang fraternity na kinikilala ang eskwelahan lalo na sa college of law.
Suspendido ang klase sa San Beda para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, lalo na ang mga malalapit na kaklase at kaibigan ni Reglos, na ipagluksa ang pagkamatay nito.
Ayon naman kay Atty. Risel Castillo-Taleon, ang Prefect of Studies ng San Beda Law, ginagawa na nila ang kanilang makakaya para makilala ang mga iba pang miyembro ng Lambda Rho lalo na ang mga sangkot sa hazing.
Labis din ang pamimighati ng pamilya ni Reglos at nanawagan sa ibang miyembro ng fraternity na tulungan sila sa paghahanap ng hustisya.
Bumuo na ang San Beda ng komite para imbestigahan ang pag-ooperate ng mga freaternity sa loob ng eskwelahan gayundin para tumulong sa mga awtoridad. Report from Ron Gagalac, ABS-CBN News -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »