- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
"(UPDATE) Hinamon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na ilabas ang psychological records nito na aniya ay matagal nang isyu. "(UPDATE) Hinamon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na ilabas ang psychological records nito na aniya ay matagal nang isyu.
Ito ang naging bwelta ni Corona sa panibagong banat ni Pangulong Aquino na hindi tugma ang nakadeklara sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng punong mahistrado sa nilalaman ng mga bank account nito.
"Marahil, higit na makabubuti kung ilabas na rin ninyo, Ginoong Pangulo, ang inyong SALN, at ipaliwanag ito sa taong-bayan. Siguro, isama ninyo na rin ang inyong bank accounts at psychological records na matagal ng isyu."
Matatandaang noong 2010 Presidential Election ay naging mainit na isyu ang kalagayan ng pag-iisip ni Pangulong Aquino matapos lumabas ang umano'y kopya ng medical record nito kung saan nakasaad na dumanas ito ng depression.
Ayon pa kay Corona, bilang pinuno ng bansa ay mayroon silang obligasyon na ipakitang maayos ang kanilang pag-iisip.
Nanawagan rin si Corona kay Pangulong Aquino na huwag pakialaman, pangunahan at impluwensyahan ang Senate impeachment court dahil may sarili itong prosesong sinusunod na siyang itinakda ng Saligang Batas.
Agad namang sinagot ng Palasyo ang mga banat ni Corona.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa hinahaba raw ng pahayag ng chief justice ay hindi pa rin nito sinagot ang tanong kung bakit iba ang lumabas sa kaniyang SALN sa mga natuklasang ari-arian at kayamanan sa impeachment trial.
Muling iginiit ng Palasyo na walang personalan dito at ang tanging ipinaglalaban lang daw nila ay ang sistemang pang-katarungan.
Buo rin daw ang tiwala ng Malakanyang sa Senado na siyang huhusga kung dapat pa bang manatili ang punong mahistrado sa pwesto. With report from Alex Calda, Radyo Patrol 43 -
Chief Justice keep your mouth shut.
sagutin na lang muna ni corona ang mga charges laban sa kanya, bago siya sumagot sa kung anong bagay pa...kung meron mang laban kay p-noy, dapat makasuhan muna siya, pero wala eh...KAYA GINOONG CORONA, WAG MONG ILIHIS ANG ISSUE, PLEASE LANG PARA MO NANG AWA...magpakalalaki ka...
Ikaw muna maglabas Mr. Corona dahil ikaw nakadimanda, si Pnoy wala pa kaso kaya papano nya ilalabas.. ano kaba naman.. katwirang isip bata na yan.
Ginoong Chief Justice sana tumahimik ka na lang. first you have to look at yourself. punong mahistrado ka pa nman. hindi mo na alam ang pinagsa2bi mo.
matagal ng isyu yan psychological na binabalik mo scj corona;napakabigat na ng pag dududa ng publiko sa u,sa ibang bansa pang suicide na yan .
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »