• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Panukalang batas para sa PAGASA modernization, sinertipikahang 'urgent' ni PNoy

    By dzmm.com.ph | 11:01 PM 06/07/2013
  • image
    "Sinertipikahang "urgent" ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas na naglalayong gawing moderno ang Philippine Atmoshperic Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). "

    Sinertipikahang "urgent" ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas na naglalayong gawing moderno ang Philippine Atmoshperic Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

    Hunyo 5 nang sertipikahang urgent ang panukalang batas ng mag-inang Dato at Gloria Arroyo.

    Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, importanteng maisabatas ang panukala na magbibigay ng mas epektibong pagtataya ng panahon.

    "Medyo patapos na po 'yung session at isa po ito doon sa mga batas that is already in the advanced stage of legislation at sayang naman po kung hindi po ito maipapasa nitong Kongreso at importante po itong batas na ito because it provides for the modernization of PAGASA. This is something that we sorely need at kailangan po 'yung mga pondo," aniya.

    "As you know, we are putting in rain gauges in different locations to help us determine 'yung mga level of water in certain places. We're also putting up 'yung mga Doppler radars to help us predict or tell the public the state of the weather in the country and this is something that is needed for the modernization of PAGASA," dagdag pa nito.

    Naniniwala naman si Agham Partylist Rep. Angelo Palmones na isa sa mga principal author ng panukalang batas na malaki ang maitutulong ng modernisasyon ng PAGASA para sa kaligtasan ng sambayanan sa mga kalamidad.

    Ipinagpasalamat din ni Palmones ang pagratipika sa isa pang panukalang makakatulong naman sa mga kabataan lalo na ang mga nalilinya sa science at technology.

    "I would like to thank the members of the bicameral committee from both Houses of Congress for ratification yesterday of the bill on Expansion of Science & Technology Scholarship. Similarly, I am grateful to the Members of the Senate for adopting the House version of the bill on PAGASA Modernization."

    "As one of the principal authors of the two bills, I sincerely look forward to the signing of the bills by Pres. Aquino. The enactment of the law on S & T scholarship will provide more opportunities for our young people to pursue S & T careers, while the PAGASA modernization will enhance the delivery of weather and flood services in the country and ensure safety of our people from natural hazards and disaster." With a report from Willard Cheng, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 3 lugar, nasa state of calamity dahil kay 'Mario' September 20, 2014 17:08:47 »
  • METRO Tambak ng basura, iniwan ni 'Mario' sa Manila Bay September 20, 2014 15:39:21 »
  • ENTERTAINMENT Ina ni Cherry Pie Picache, patay sa pananaksak sa sariling bahay September 19, 2014 23:33:47 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, pinarangalan sa Kamara September 18, 2014 19:14:57 »
  • PAPAL VISIT 5 Bohol quake survivors, posibleng makasalo sa tanghalian ng Santo Papa September 17, 2014 12:57:56 »
  • REGION Ilocos Norte, isinailalim sa state of calamity September 20, 2014 15:51:29 »
  • WORLD Lalaki, tumalon sa bakod ng White House; nagdulot ng evacuation September 20, 2014 15:42:19 »